INXS - The Original Sin 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
INXS - The Original Sin
"Dream on white boy, dream on black girl. And wake up to a brand new day."
Ang kantang "Original Sin" ay sinulat noong 183 at ini-release noong 1984 ng Australian group na INXS sa kanilang pang apat na album na ipinangalang "The Swing". Ang kanta ay composition ng INSX singer na si Michael Hutchence at si Andrew Farriss. May chismis na hindi nai-release ang kanta sa US dahil sa anti-racist lyrics at mensahe nito. Pero ang totoo ay naging malaking hit ito sa mga Los Angeles radio stations. Malaking hit ito sa Pilipinas noong 1984, at isa sa mga standard songs on rotation sa mga popular na mga radio stations. Ito rin ang kantang sinasayaw ng mga dance groups sa mga popular tv shows noong mid-80's.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
No comments:
Post a Comment