Electric Blue - Icehouse 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
"I just freeze everytime you see through me, and it's all over you electric blue."
1987 ang taon na ini-release ng Icehouse ang kanilang album Man Of Colours. Sa tulong ng kanilang co-writer na si John Oates (ng legendary Hall & Oates), naging malaking hit ang kantang Electric Blue. Malaki man ang commercial success na natanggap ng grupo matapos irelease ang album na ito, hindi na nila nalampasan ang success ng album matapos ito mailabas. Ganoon pa man, ang Icehouse ay isa sa mga respetadong banda na na-induct sa Australian Rock and Roll Hall of Fame. Ang Electric Blue ay ang best selling single ng Icehouse, at naging isa sa mga paburito mong kanta noong late '80s.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
No comments:
Post a Comment