Obsession - Animotion 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
"You are an obsession. You're my obsession. Who do you want me to be? To make you sleep with me."
Nabuo ang grupong Animotion noong 1983. Sila ang mga natirang miyembro na galing sa retro science-ficiton band na Red Zone. Panay ang tour ng Animotion noong 1986-1987, kasama ng Depeche Mode, Howard Jones, INXS, Eurythmics, Simply Red, Phil Collins, at Genesis. Malaki ang success na naranasan ng grupo sa Germany at South Africa, salamat sa kanilang dalawang sikat na singles na "I Engineer", at itong "Obsession". Madalas gaimitin itong kantang ito bilang background music sa mga game segments ng mga sikat na noontime shows sa Pilipinas noong '80s.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
No comments:
Post a Comment