Nag-Plano Ang Mga Chickboy
Pare, bakasyon na naman! Tapos na ang klase! O ba t mukhang Byernes-Santo ka na kaagad? Ah, Remedial Classes. Buti na lang pasado ako.
Tama na nga yang pagmumokmok. May panahon pa namang mag-hapi-hapi. Sa Sabado ng umaga may beach outing ang barkada. Sa Batangas. Oo, ayos na ang transpo. Si Jake ang nag-arkila ng pampasaherong jeepney para maraming sakay. Isi-split na lang natin ang rental at gas. Magdala ka ng fifty pesos. Kasya na yon. Beynte tayo eh. O, hwag mong kalimutan ang chichirya - Pringles, Kropek, Chippy, Coke, alam mo na yon! Tutal sagot naman ng uncle ni Macario ang lunch. Doon tayo sa kanila didiretcho pag dating natin ng tanghali.
Sino, yun? Syempre sasama yun. Nandoon lahat ng mga girls. Hehehe magbe-bathing suit na naman sila at maglalakad sa tabi ng dagat - nakatapis ng tuwalya! Dapat mag palda na lang sila!
Ano?! Magta-trunks ka? Speedo kamo?! Hwag! Pagtatawanan ka ng mga yon. Ganoon ang ginawa nila last year kay %$@_?!
Si Gracia? malamang naka T-Shirt at shorts ulit yon pag naligo. Manang talaga!
Paki-dala mo na rin yung yung cassettes mo ng Dance Mix. Dadalhin naman ni Alvin yung boombox nya kaya may sounds tayo. Oo nga. Baka naka eight track pa yung jeepney. Hehehe, hindi madadala sa beach yon!
Sabado, alas-sais, sa labas nina Sandy ang unang pick-up. Kita tayo doon.
Si mommy mo hindi papayag? Balikan naman, papayagan ka non! Sabihin mo, uuwian natin sya ng Mazapan Sweets at buko pie. Oo, tatluhin mo pa.
Masaya yon, bro. Summer na summer na ako! Sige, hasta la bye-bye!
More Random Recall Machine: A Whole Lot of Shakey's Goin' On
Technorati Tags:70s, 80s, memories, nostalgia
3 comments:
Wow pare Wayfarers! Orig na Ray Ban na yan, o yung tig 50 pesos sa cartimar? :)
hey, i'm still using wayfarers to this day. timeless. terminally hip.
Dear Anonymous,
Ang pormang classic talagang hindi nalalaos! Diba si Tom Cruise nga dun sa famous scene nya na naka-Wayfarers at boxer shorts hanggang ngayon ginagaya pa rin?
Post a Comment