Jump - Van Halen 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
"I've got my back against the record machine. I ain't the worst that you've seen. Oh can't you see what I mean?"
1984 ang taon na lumabas ang kantang Jump na ini-release sa Van Halen album na tinawag ring 1984. Ang kantang ito ay ang only #1 hit ng grupo sa Billboard Hot 100. Madaling makilala ang kanta dahil sa synth intro nito, at siyempre din naman sa mga guitar at keyboard solos in Eddie Van Halen. Mula pa sa simula, kilala na ang Van Halen bilang isa sa mga matitinding hard rock bands; ngunit ang kantang Jump ang nagbigay daan sa pagiging radio-oriented at mainstream sound ng Van Halen. Natutuwa ka pag pinapanuod mo itong video na ito, dahil bilib ka sa mga stage acrobatics ni David Lee Roth, na siya ring nag direct ng music video.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
1 comment:
I used to love playing air drums to this song! I think this Van Halen line-up, with David Lee Roth as lead singer was the best! It's just not van Halen to me if Diamond Dave isn't the lead singer. Not to take anything away from Sammy "The Red Rocker" Hagar of course, who I think is also an awesome singer in his own right.
Post a Comment