January 14, 2008

Sine Nostalgia: Jaguar 1979

Nostalgia Manila in cooperation with Sari-Saring Sineng Pinoy proudly presents, Sine Nostalgia! Featuring movie critiques and reviews of the most memorable Filipino movies of the 70's and 80's by the top authority in reviewing nostalgic films, Jojo Devera. Learn about that films that shaped Filipino Pop Culture, and the movies that left their mark in Philippine cinema history.


Pagpasok Sa Teritoryo Ni JAGUAR

Ang paglikaw-sipat ng kamera ni Conrado Baltazar sa aktuwal na lugar ng Tondo ay pagsipat din sa buhay ng mga tauhang inilalantad ng naratibo. Pugad ng kahirapan ang looban na higit pang pinalubha ng pagsakop ng basura sa kinasanayang teritoryong tinatapakan ng tao. Nagsisikap mabuhay sa masikip na lugar ang mga tauhan sa pangnguna ni Poldo Miranda (Phillip Salvador) at ang mga karakter na naugnay sa kanya. Tila siruhanong inilalantad ng sinematograpiya ang reyalidad ng kanyang kundisyon, walang kurap na tinitistis nito ang gangrenosong mga ugat at laman ng kanyang personal at panlipunang ugnayan. Malinaw ang alusyon sa naunang Insiang (1976), hindi lamang sa balangkas ng pelikula kundi pati sa sityo ng pagdurusang panlipunan. Dito sa Jaguar (Bancom Audiovison Corporation, 1979), tumindi pa ang kalagayan ng kadahupan dahil sa paglukob ng tumataas na bundok ng basura sa batayang pamumuhay ng lahat. Lumulutang at lumulubog sila sa basura na walang maaasahang malinis na kinabukasan. Ang pagsisikap ng mga protagonistang makaahon sa literal at abstraktong basurang impiyerno ay dramatikong naitanghal sa mala-sosyorealistang estilo.

Ang produksiyon ng espasyo sa Jaguar ay sabay na naglalarawan ng milyu at sikolohikong kondisyon. Transgresibo ang proyektong ito sa loob ng namamayaning pagbalorisa ng pangkorporasyong layunin ng industriya ng pelikunang Pilipino sa mga romansang burgis na sadyang nagsasalaylayan sa mga malawakang panlipunang reyalidad. Mapapansin ito sa mismong pagtuon ng Jaguar sa natatanging representasyon ng isang limot na komunidad. Lumubog ang sinematograpiya sa materyal na nais maitanghal ng pelikula. Hinuhuli ng mata ng kamera ang ritmo ng buhay sa looban. May mga eksenang nagpapakita ng herarkikal at nahahati-sa-uring kondisyon ng lipunan hindi sa lantad at didaktikong paraan kundi sa tila-simpleng presentasyong biswal lamang. Halimbawa ang kuha ng paglalakad nina Sonny (Menggie Cobbarubias) at Direk (Johnny Delgado) sa matubig na iskinita papunta kina Poldo. Nasa unang antas ng kuwadro ang magagarang kasuotan at sapatos ng mga ito, nasa ikalawang antas naman ang kaligiran ng masikip at makipot na daan patungo sa higit na nagsisiksikang looban. Ang neutral na pagkakaiba ay nagkakaroon ng dimensiyong pangkultura at pampolitika sa gitna ng kaayusang likha ng tao na nagsusulong ng paggamit ng kapangyarihan para sa opresyon ng kapwa. Kasama ang anggulo ng kamera sa pagbubunyag ng ontolohiya ng lugar. Madalas na ang puwesto nito ay halos nasa ibabaw lamang at tinatanaw ang primal na tagpuan ng aksiyon, ang tahanan nina Poldo na isa lamang sa mahabang hilera ng mga bahay ng naghihikahos. Maihahambing ito sa ibong lumilipad para malapitang tingnan ang mga lihim sa kabila ng mga dingding at silid. Ang hidwaang sanhi ng unti-unting pagbabago ni Poldo ay naitanghal ng kamerang sumisilip sa kisame. Ang pagsasaayos ng espasyo-panahon sa takbo ng naratibo ay mainam na naisasagawa lalo na sa maiigting na eksena. Marungis ang disenyong biswal sa pelikula dulot na rin ng kahingian ng materyal. Malikhaing natimpla ito ng produksiyon at nalikha ang loobang bagama’t may malaking kahinaan sa pagbuo ng makatwirang delinasyon ng katauhan ni Cristy Montes (Amy Austria), ay nakapaglatag pa rin ng obrang sumasalungat sa higit na palsong pananaw sa daigdig ng burgis na pelikulang namamayagpag sa mga sinehan ng ating panahon.

Direksiyon: Lino Brocka

Dulang Pampelikula: Jose F. Lacaba At Ricardo Lee

Sinematograpiya: Conrado Baltazar

Musika: The Vanishing Tribe

Editing: Rene Tala

Disenyong Pamproduksiyon: Bobby Bautista

Prodyuser: Bancom Audiovision Corporation


More Sine Nostalgia: Broken Marriage 1983

Sine Nostalgia is made possible through the kindness of our good friend, and top nostalgia film critique, Jojo Devera. Visit Jojo's Blog at: http://sari-saringsinengpinoy.blogspot.com.

Technorati Tags:, , , ,


No comments:



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!