January 21, 2008

Sine Nostalgia: Pagdating Sa Dulo 1971

Nostalgia Manila in cooperation with Sari-Saring Sineng Pinoy proudly presents, Sine Nostalgia! Featuring movie critiques and reviews of the most memorable Filipino movies of the 70's and 80's by the top authority in reviewing nostalgic films, Jojo Devera. Learn about that films that shaped Filipino Pop Culture, and the movies that left their mark in Philippine cinema history.


SA DULO Ng Hangganan Ni Bernal

Isang sadya at magaspang na plastisidad ang pinatingkad ni Ishmael Bernal sa kanyang kauna-unahang obra ang Pagdating Sa Dulo (Mever Films/Frankesa Films, 1971). Nakita sa pelikula ang pag-aabala ni Bernal sa tema ng alyenasyon, ng pagtiwalag, ng pagtatago at ng pagtanggap. Isang estratehiyang hindi lamang tumatanggi sa kintab at kinang ng mga pelikulang may higit na malaking badyet kundi matagumpay din itong nakalikha ng isang kapaligirang umaapaw sa iba't-ibang uri ng pagkalugmok at pagkakait. Mula pagkakalulong sa alkoholismo hanggang karahasang domestiko at prostitusyon. Kadalasan, sa proseso ng pagsasaliksik ng indibidwal na sarili ay nilalamon ang katauhan ng mga simbolikal na sistemang kinakalaban o minimithi. Talunan ang mga tauhan dahil kapwa nila hindi nagawang gapiin ang mga istrukturang pangkamalayang pumipiit sa kanila. Sa isang pagtingin ay maaring sabihing hindi rin naman talunan ang mga tauhan. Sa esensiya, ang unang pagtinging pagkatalo ng mga tauhan ay maaring basahin bilang pananagumpay ng tauhan laban sa pisikal, metapisikal, simbolikal at pangkamalayang istrukturang kanilang kinapipiitan. Isinalarawan ni Bernal ang personal niyang ideyolohiya. Ang personal bang pagtingin ng direktor sa kanyang pelikula ay siya ring personal na pagtingin ng kolektibong mamamayang nanood ng kanyang pelikula? Subalit hindi sapat ang ganitong pagtatanong sa paghihimay ng pelikula. Kinakailangan din igpawan ang kakulangan ng ganitong balangkas ng pagsusuri. Kailangan nating tingnan na ang pelikula, tulad ng anumang kultural na anyo, ay hindi repleksyon lamang ng lipunan o ng lumilikha ng sining na ito. Ang pelikula bilang isang kultural na teksto ay hindi pananalamin lamang ng isang uri. Higit sa lahat, ang pelikula bilang teksto ay produksiyon ng ideyolohiya, at bilang produksiyon ng ideyolohiya, ito ay pumapaloob sa tunggalian ng mga ugnayang sosyal na umiinog at nakakabit sa ugnayang pangkapangyarihan. Ginagampanan ni Ching/Paloma (Rita Gomez) ang kanyang papel bilang mangingibig ni Pinggoy (Vic Vargas) nang may pang-unawa kaya ipinapain nito ang kanyang katawan bilang imbakan ng kapangyarihan at nasa ng lalaki, marahil bilang isang talinghaga ng pagpuputa sa mahalay na kahingian ng komersyo at industriya.

Tinutukoy din ng Pagdating Sa Dulo ang iba mula sa iba pa dahil isa itong pelikula tungkol sa pelikula, lalo na ang Pelikulang Pilipino. Sa kabila ng sinematikong pagsasaysay ng pelikula nasa bingit ng posibleng pagsulong ang industriya, subalit hindi ito manggagaling sa dagdag na kapital o maging sa walang hirap na paghukay at pagsasatao ng hinagangaang mga bituin. Ang transpormasyon ay naisulong sa mabisang paglalangkap ng mga elemento ng pelikula. Masinop ang sinematograpiya sa pagsasalarawan ng dominasyon nang hindi nagiging mapagsamantala. Naging makabuluhan ang dulang pampelikula sa paraang nakapagsangkot ito ng mga tauhan, lalo na yaong matalinong ginampanan ni Rita Gomez na pinaaalingawngawang buhay at karanasan ng pangunahing tauhan at naglulundo sa kolektibong mithiin ng mga kababaihan. Mahusay rin ang karakterisasyon sa paglalahad ng kapani-paniwalang motibasyon ng mga tauhan upang mag-isip, kumilos at magbago. Sa pamamagitan ng pagsasalarawan sa hugpungan at umpugan ng katawan at pagnanasa, ipinakita ni Bernal sa pelikula ang walang takot na paglalantad sa mukha ng paggamit ng posisyon ng dominasyon sa industriya ng Pelikulang Pilipino.

Dulang Pampelikula At Direksiyon: Ishmael Bernal

Sinematograpiya: Delfin Carretas

Musika: Francisco Buencamino

Editing: Teofilo De Leon

Prodyuser: Mever Films/Frankesa Films


More Sine Nostalgia: Jaguar 1979

Sine Nostalgia is made possible through the kindness of our good friend, and top nostalgia film critique, Jojo Devera. Visit Jojo's Blog at: http://sari-saringsinengpinoy.blogspot.com.

Technorati Tags:, , , ,


No comments:



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!