September 24, 2007

Sine Nostalgia: Totoy Boogie 1980

Nostalgia Manila in cooperation with Sari-Saring Sineng Pinoy proudly presents, Sine Nostalgia! Featuring movie critiques and reviews of the most memorable Filipino movies of the 70's and 80's by the top authority in reviewing nostalgic films, Jojo Devera. Learn about that films that shaped Filipino Pop Culture, and the movies that left their mark in Philippine cinema history.


Si TOTOY BOOGIE Ang Hari Ng Sayawan

Sinasabing si Celso Ad Castillo ang messiah ng Pelikulang Pilipino. Nagtamo ng papuri ang kanyang mga obra tulad ng Burlesk Queen (1977), Pagputi Ng Uwak, Pag-Itim Ng Tagak (1978) at Ang Alamat Ni Julian Makabayan (1979). Meron bang kahit isa sa atin ang nakakaalala sa Totoy Boogie? Ipinalabas noong 1980, ang Totoy Boogie (LEA Productions, 1980) ay pinangungunahan ng tinaguriang Golden Boy ng Philippine Cinema na si Lloyd Samartino kabituin sina Eddie Garcia, Marissa Delgado, Pia Moran, Rossana Ortiz at Roderick Paulate.

May-ari ng isang lumang dance studio ang mga magulang ni Totoy (Eddie Garcia at Marissa Delgado), mga beterano ng vodaville. Sa kabiguang maabot ang kanilang mga pangarap na maging isang sikat na dancing duo, naibuhos ang lahat ng ninanais makamtan sa nag-iisang anak na si Totoy. Dahil sa namana ang husay sa pagsasayaw ng mga magulang, naging dance instructor ito sa kanilang studio. Iba't-ibang uri ng kababaihan ang nag-aaral dito, hindi lamang ng pagsasayaw kundi upang mapalapit din ang mga ito kay Totoy. Guwapo ang binata at habulin ng mga babae. Alam ni Totoy na maari niyang gamitin ang kanyang itsura upang, paglaruan ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Mahilig magpunta sa disco si Totoy kasama ang kanyang matalik na kaibigan (Roderick Paulate) at dito niya nakilala ang isang di pangkaraniwang dalaga (Pia Moran). Sa kagustuhang makilala bilang isang mahusay na dancer, sumali si Totoy sa isang patimpalak sayawan sa telebisyon kung saan siya namataan ng isang baklang direktor sa pelikula (Celso Ad Castillo). Pinangakuang tutulungang sumikat at makilala bilang isang artista kung papayag siyang sa mga kagustuhan ng direktor. Tulad ng inaasahan, walang natupad sa mga pangako, unti-unting nawasak ang mga pinapangarap, muling ipinadpad si Totoy pabalik sa kanyang mga magulang.

Maihahalintulad ang kuwento ng Totoy Boogie sa Saturday Night Fever (1977) na pinagbidahan ni John Travolta ngunit mas malawak ang sinakop ng Totoy Boogie dahil ipinakita ang kagustuhan ni Totoy na makilala kung saan ginawa niya ang lahat upang makamtan ang mga ninanais ngunit nabigo pa rin ito di tulad ng mga karanasan ni Tony Manero na umikot lamang sa loob ng isang disco at sa paligid nito. Mas malinaw na naipahayag ni direktor Celso Ad Castillo ang motibasyon ng karakter ni Totoy sa pelikula kumpara kay John Badham sa Saturday Night Fever. Siguro nga mas mahusay na mananayaw si Travolta kaysa kay Samartino at mas may lalaim ito sa pagganap ngunit hindi pa rin maisasantabi ang tagumpay ni Castillo na maipahatid sa manonood ng pelikulang Pilipino ang mensahe ng Totoy Boogie na hindi lahat ng mithiin ay kayang abutin sukdulang ibigay na ang buong pagkatao pati ang kaluluwa. Nabigo man ang LEA Productions na makilala ng husto si Lloyd Samartino dahilan sa hindi tinagkilik ng masang Pilipino ang Totoy Boogie, masasabing isa pa rin ito sa mga pelikulang maipagmamalaki ni direktor Celso Ad Castlillo... may imahinasyon, kakaiba.

Dulang Pampelikula At Direksiyon: Celso Ad Castillo
Sinematograpiya: Ricardo Remias
Musika: Ernani Cuenco
Editing: Nonoy Santillan
Disenyong Pamproduksiyon: Orlando Tolentino
Prodyuser: LEA Productions


More Sine Nostalgia: Si Baleleng At Ang Gintong Sirena 1988

Sine Nostalgia is made possible through the kindness of our good friend, and top nostalgia film critique, Jojo Devera. Visit Jojo's Blog at: http://sari-saringsinengpinoy.blogspot.com.

Technorati Tags:, , , ,


No comments:



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!