September 10, 2007

Sine Nostalgia: Darna And The Giants 1974

Nostalgia Manila in cooperation with Sari-Saring Sineng Pinoy proudly presents, Sine Nostalgia! Featuring movie critiques and reviews of the most memorable Filipino movies of the 70's and 80's by the top authority in reviewing nostalgic films, Jojo Devera. Learn about that films that shaped Filipino Pop Culture, and the movies that left their mark in Philippine cinema history.


Si DARNA Laban Sa Mga Higante... Sino Ang Magwawagi?

Sa ikalawang pagkakataon ay muling sumabak si Darna sa mga nagnanais lipulin ang daigdig sa pelikulang Darna And The Giants (Tagalog Ilang-Ilang Productions, 1974). Tulad sa mga naunang pagsasalarawan ng pakikibaka ni Darna laban sa mga kampon ng kasamaan, ipinakita sa pelikula ang pagnanasa ng mga taga-ibang planeta na mapasailalim ng kanilang kapangyarihan ang buong mundo. Sa pamamagitan ng isang pormulang likha ng kanilang pinunong si X3X (Helen Gamboa) na kapag itinurok sa isang ordinaryong tao ay nagiging higante ang mga ito at nagkakaroon ng kakaibang lakas habang kinonontrol nito ang kanilang mga isipan upang gawin ang kanyang mga ipinaguutos. Sinasalakay ng limang higante (Divina Valencia, Zandro Zamora, Max Alvarado, Cesar Ramirez at Ike Lozada) ang bawat bayan at walang humpay na pinupuksa nito ang mga mamamayan. Dahilan sa patuloy na pagtanggi ni Narda (Vilma Santos) sa iniaalok na pagmamahal ni Romy (Romeo Miranda) ay nagdesisyon ang huli na mamasukan sa isang lumber factory na pag-aari ng kanyang tiyuhin kung saan nito nakilala si Digna (Florence Aguilar), ang anak na dalaga ng manager. Sa kinasamaang palad ay dinakip ang dalawa ng mga taga-ibang planeta, binihag ang mga ito at ginawang higante. Nais magsagawa ni Narda ng imbestigasyon ukol sa mga higante kung kaya't sinundan niya ito kasama ang kapatid na si Ding (Dondon Nakar), ang mga taumbayan na nilipol ng mga taga-ibang planeta. Sinundan nila ito hanggang sa matunton nila ang itinayong munting kaharian ni X3X. Naging saksi si Narda sa kabuuang plano ni X3X upang tuluyang mapasailalim ng kanyang kamay ang daigdig. Isa-isang nilupig ni Darna ang mga higante hanggang sa tuluyan na nitong makalaban ng harapan si X3X. Muling nagtagumpay si Darna sa pagtatanggol ng mundo laban sa mga mapanupil na nagnanais umangkin dito.
Unang ginampaman ni Vilma Santos ang papel ni Darna sa Lipad, Darna Lipad! (Sine Pilipino, 1973). Isang pelikulang may tatlong kasaysayan kung saan nakaharap nito ang palagiang kalabang sina Valentina, Ang Babaeng Lawin at ang Impakta. Sa pagkakataong ito ay mga higante naman ang kinaharap ni Darna. Masasabing, sa pagganap ng aktres bilang Darna tuluyang bumulusok ang kanyang kasikatan. Tunay na akmang-akma dito ang pisikal na kaanyuan ni Darna. Nabigyan din ito ng panibagong bihis nang umpisahan ng aktres ang paglabas sa papel ni Darna. Sa mga naunang pelikula, kadalasa'y dalagita si Narda, at nag-iibang anyo lamang ito kung nilunok na ang batong nagbibigay kapangyarihan bilang Darna. Dahilan sa si Vilma Santos ang naatasang gumanap bilang Darna ay kinailangang ito rin ang lumabas bilang Narda. Sinimulan ng nobelistang si Mars Ravelo ang pagsusulat ng Darna taong 1947 sa magasing Bulaklak. Unang isinapelikula ito ng Royal Films noong 1951 na nagtampok kay Rosa del Rosario samantalang ginampanan naman ni Cristina Aragon ang papel ni Valentina at si Mila Nimfa naman ang gumanap na Narda. Masasabing tanging si Vilma Santos lamang ang nag-iisang aktres na gumanap bilang Darna sa apat na pagkakataon. Isang uri ng pagganap na tunay na nagluklok kay Darna bilang malaking bahagi ng kulturang Pilipino. Sa bawat pagkakataong ito ay tunay na inangkin ni Vilma Santos ang katauhan ni Darna na patuloy na nagbigay aliw sa mga manonood ng sineng Pinoy.

Dulang Pampelikula At Direksiyon: Emmanuel H. Borlaza

Sinematograpiya: Benjamin L. Lobo

Musika: Tito Arevalo

Editing: Gervasio Santos

Disenyong Pamproduksiyon: Ben Otico

Prodyuser: Tagalog Ilang-Ilang Productions


Sine Nostalgia is made possible through the kindness of our good friend, and top nostalgia film critique, Jojo Devera. Visit Jojo's Blog at: http://sari-saringsinengpinoy.blogspot.com.

Technorati Tags:, , , ,


No comments:



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!