Karma Chameleon - Culture Club 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
"Every day is like survival. You're my lover, not my rival."
Ang kantang Karma Chameleon ay kasama sa Culture Club album na "Color By Numbers" na inilabas noong 1983. Naging malaking hit itong kantang to noong 1984, at tatlong linggo itong nasa #1 spot ng U.S. Billboard Hot 100. Talaga namang patok din itong kantang ito sa Pilipinas noong 1984, at nagkaroon ng maraming Culture Club singing contests sa mga sikat na noontime shows, na kung saan nagbibihis ang mga contestants para kamukha nila ang lead singer na si Boy George. Naging uso ang pagsuot ng sumbrero ala Boy George noong panahong iyon, at marami rin ang nagsuot ng mga oversized t-shirts na lagi niyang suot sa iba niyang mga music videos.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
No comments:
Post a Comment