Everything Counts - Depeche Mode 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
"The graph on the wall tell a story of it all. Picture it now, see just how the lies and deceit gained a little more power."
1983 lumabas itong pangatlong single ng Depeche Mode mula sa kanilang album na pinangalang Construction Time Again. Ito ang unang industrial-inspired single ng grupo at maraming music critics ang nagsasabi na ito raw ang pinaka-unang English-language industrial pop hit. Naging malaking hit ang "Everything Counts" sa Pilipinas noong unang release ng single, hanggang pa sa paglabas ng Depeche Mode 101 album and documentary film noong 1989.
Maraming mga fans ang gumaya sa porma ng grupo. Nandoon na ang pagsuot ng suspenders at sumbrero na kagaya ng kay Martin Gore, at siyempre ginaya rin naman ang porma at buhok ng lead singer na si Dave Gahan. Matapos maging malaking mainstream success ang grupo, maraming umusbong na mga New Wave synth/keyboard bands sa Manila na halatang naimpluwensya sa style at musika ng Depeche Mode.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
No comments:
Post a Comment