Michael Jackson - Thriller 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
"It's Close To Midnight And Something Evil's Lurking In The Dark."
Ang music video na ito ay ini-release noong December 2, 1983 sa direksyon ni John Landis. Madalas itong tawaging "Best Music Video of All Time", dahil nga naman kakaiba ang galing na ipinakita ng video na ito. Ito ang pinakamahal na video noong dekadang 80's at umabot ng US$800,000 ang budget ng proyekto. Ito ang pinakaunang video na ginawang parang short film o mini-film. Matapos itong ilabas, maraming sumunod sa stilo nitong bagong short film video shooting style.
Talagang natuwa ang lahat sa matinding dance sequence sa malagitna ng video, kung saan sumasayaw si Michael kasama ng mga zombies. Madaming gumaya sa porma ni Michael noong lumabas itong video na ito, at siyempre nagkaroon ng katakot-takot na mga Michael Jackson Thriller sing-alike, dance-alike contests sa ibatibang noontime show sa Pilipinas. Maraming bata ang nangarap magkaroon ng pulang jacket na sinusuot ni Michael Jackson, at marami ang nagpaayos ng kanilang mga maong para maging hapit na bitin sa laylayan, para makita ang kanilang puting medias ala Michael Jackson.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
No comments:
Post a Comment