Nostalgia List #29
"Halina at bibili pa tayo ng uniporme mo sa Central Market!"
Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.
188. Pagkatapos ng tanghalian, ay may Tagalog movies with the rivalry of Tony Ferrer (Agent X44) at Roberto Gonzales. Iyong mga pelikula ni Tony Ferrer magarbo ang mga set, iyong kay Roberto Gonzales ang mga setting mostly ay sa slum area. Pa-inglish pa minsan si Falcon samantala tunog Visaya si Roberto.
189.Sa mga OA (Overacting) na artista, aba, nandiyan si Vic Pacia na pataas taas ang kilay with matching tawa versus Ben David na malaki ang boses pati na ang butas ng kanyang ilong.
190. Central Market (kung galling ka sa Dapitan Street, bago bumaba ng underpass going to Quiapo) na mabibilhan mo ng dry at wet goods? Doon ka makakabili ng mga yaring damit pati mga uniform.
191. Kapag malaking pelikula especially Fernando Poe Jr. movies, unang una ang Cinerama Theater (CM Recto at Quezon Blvd.), considered as number one theater ng kanyang panahon. Sa Cubao, naroon ang Remar.
Kapag double feature, Times Theater, doon mo halos makikita ang mga James Bond movies back to back, plus iyong mga lumang war at epic movies.
192. Kung sa Public School ka nag-aral ng elementarya, nauso noon ang Nutri-Bun sa halagang diyes sentimo pero malaki ang size niya. Kaya lang hindi mo basta basta magugustuhan ang lasa na minsan ay parang luma. Pero okey lang may free namang gatas.
*Many thanks to our good friend Arnel Bagnes.
"Wow! Nostalgia List #30 na! Pakibilisan naman o!"
Craving for more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #28
Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia
2 comments:
si tony ferrer (agent x44) noon isputing na isputing--yung mga early issues ng x44 ang porma nya, plantasadong-plantsado yung buhok na pinakintab ng tancho pomade, naka baston na pantalon at amerikana na makintab tapos makikipag-bakbakan sya sa mga kaaway sa ganong porma using his famous karate chop. sempre mapapatumba nya lahat ng kalaban, unscathed.ay hindi, may konting dugo naman pala na tutulo sa isang corner ng labi nya.tapos papahirin nya ito,reaction shot sabay alis.sempre nag-evolved ang porma nya sa mga sumunod na x44-- mahaba na ang buhok nya na mukhang esponghado, malaking shades na kapag isinuot mo mukha ka nang tutubi. tapos naka-all white siya, pati sapatos puti.ang favorite kong ka-partner ni tony ferrer nun ay si carmen soriano at yung tisay actress josephine (forgot her last name.
magkaiba nga sila ni roberto gonzales--kumbaga probinsyano si roberto na bagong salta sa maynila para hanapin dito ang kanyang swerte tapos mapapatrobol sa mga iskalawags.sempre iba ang porma nya--ang buhok nya plantsado sa gilid, may patilya (uso kasi noon yung patilya) tapos medyo gusot yung bangs, nakasuot siya ng button down polo shirt na itim (kasi black n white ang tv namin), rolled up ang sleeves tapos yung laylayan magkatali. tapos ang pantalon nya maong na baston, naka-rubber shoes ng converse, kundi itim, dirty white.pag nakikipagbakbakan siya noon ang pamatay nya ay yung karate chop using his both hands tapos sa balikat nya titirahin yung kalaban, mapapaluhod yung kalaban tapos bibigwasan nya yung mukha pakaliwa.tumba ang kalaban.tapos ganun din, may dugo siya sa isang corner ng labi nya pupunasan nya yun, reaction shot then exit frame.
teka, bukod kila tony ferrer at roberto gonzales 'wag din nating kalilimutan ang bruce lee of the philippines ramon zamora(SLN), si bomber moran, nick romano, syempre si FPJ(SLN),Erap(Congrats po sa muling paglaya), si Rudy Fernandez(una yata siyang lumabas as action star sa movie noong 70's na 7 crazy dragons. pagaling ka papa rudy), meron pang isang action star na dati kontrabida and for the first time ginawa siyang bida sa Juan Tapak. 'Yun, Juan Tapak ang palabas noon sa Cinerama noong masunog yon e.After that incident, kontrabida na ulit sya. Hay, nako, i can go on and on. Masarap talaga alalahanin ang mga nakaraan, thanks to NM.
juan tapak is ruel bernal. nanonood kami ng sunog noon haggang sa bumagsak ang tangke ng tubig sa taas
Post a Comment