Nostalgia List #28
"Hindi naman foul! Stricto talaga yang si Cahanding! "
Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.
183. Imbes na sumulat ka ng mahabang sulat, gumagawa ka ng voice tape na pinapadala mo sa mga kamaganak o mga kaibigan mo na nasa abroad. BASF raw ang pinakamagandang gamitin. 30 o 45 minutes ang binibili mong tape length. Pero pag meron kang panggastos at gusto mong dagdagan ng music, bumibili ka ng 60, o 90 minutes. Inipon mo rin ang baon mo para makabili ng blank cassette tape. Tuwang-tuwa ka at ma-te-tape mo na ang iyong mga paburitong kanta sa radio.
185. Safe Guard soap commercial: "Ako ang konsensya mo!"
186. Carolina nail polish vs. Caronia.
187. Bumibili ka ng Cheezles (blue bag) at Chikadees (green bag) para makumpleto mo yung Superfriends Playing Cards.
"Hoy! Nostalgia List #29 na kasi!"
Craving for more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #27
Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia
10 comments:
nostalia ni embg:
naku naalala ko pa nung bata ako lagi ako sa BERG'S, Madison, Good earth emporium, otis. kasama mo tita ko pg kasimba sa sta. cruz church.
tapos tutuloy na kmi sa luneta na may mga pipe na waiters. kakain lang ako ng pinipig crunch or twin popsies.
madalas din ako kumain ng BEATLES na biscuit na may palamang peanut butter.
miss ko na yun pati butterballs na nabulunan pa ko.
miss ko na rin tira tira, tubo at binatog.
buti nalang meron pa rin yung mga favorite ko na clover chips, choc nut, curly tops, jack & jill pretzels.
those were the days
nostalgia 2 ni embg:
i remember magaling ako nun sa chinese garter. pg piliaan ng mother ako pinag-aagawan.pati piko love ko yan.dami ko pato.iba iba.depende sa mood ko kng ano gagamitin ko for that day. may balat ng saging, may key chain,may basag na paso na may magandang shape...
gustong gusto ko rin ang chinese jackstone. ako pa nga gumagawa nung lauran ko na yun.
lalo na ang paper dolls.dami ko nun. gumagawa rin ako ng damit nila from colorful magazine covers.
lagi ko ring nilalaro ang teacher-teacheran, bahay bahayan, tinda tindahanan. kukunin namin laman ng ref namin tapos ilalatag sa dyaryo kunyari bebenta. kmi kmi rin bibile.pati jeep jeepan. kunyari may driver at kmi pasahero...."ma bayad po".
tapos naalala ko yosi nga namin kunyari yung eyebrow pencil ng mom ko.
mahilig din kming mag record sa cassette ng mga drama namin. di pa kasi uso videocam.
favorite ko nun komiks. like wakasan, lovelife, love story, funny komiks.
masaya nung panahon na yun.masarap maging bata.
Ako magaling sa Patintero. Nung una "kuryente" lang ang role ko, pang-gulo kasi maliit pa ko. Yung mga kapatid kong malalaki sila yung "patotot". Hanggang sa maging patotot na rin ako. Kasi pag patotot ka, parang captain ball ng team.. hahhaha!
nostalgia ni embg:
ibang iba na ang mga bata ngayon. ang mga anak ko di ko na makausap. naka tutok sa XBOX 360, naka ipod buong maghapon ang tenga. naka titig buong araw sa laptop nila.
mas masaya tayo nun.kht pg uwi natin napaka dumi at amoy araw tyo.wla tayong sakit.mga anak ko diman lang mapawisan. naka aircon mghapon.di naaarawan.
sana makapag POST kyo ng pictures ng carriedo, escolta at evenida nung mga year...70's.
gusto ko makita mga lugar na kinalakihan ko.layo ko na ksi dto sa california.
gusto ko narin mapanood, barilan sa baboy kural nila chichay, pti yung ky dolphy at panchito na nsa laboratory sila.nag aaway.naglalagayan ng icing ba yun? may doctor kagaw pa. i forgot.san ko kya makikita tong mga old movies na to? can anybody tell me.tagal ko na hinanahanp to.
thanks
Para sa inyo embg:
Ano kaya ang mangyayari kung magpapa-Nostalgia Camp ang NM? Lahat tayo imbitadong sumali sa one day o kaya e one week-end camp na ito. Pwera mga anak. Talagang balik-kabataan ang activities. Maglalaro pa kaya kayo ng Chinese Garter at tumbang preso?Tex? Ano kayang ibang activities pa ang gagawin natin? Siguro nga kailangang magpa-screen ng mga Black and White na Dolphy,Panchito, Chiquito, Ginang Milyonarya, Orang Engkantada, etc.
O sige, mangarap na lang tayo...
BTW, Nagtanong ako nun via email sa Sampaguita Pictures archives at sabi nila, hindi na raw na-preserve ang maraming magagandang pelikula nila. Sayang! Mayroon pa ring paminsan-minsan na pinalalabas sa Kapamilya Channel sa ABS-CBN package (Directv TFC) pero chambahan lang at hindi yung mga hinahanap natin.
Sabi ni Tito Dolphy sa isang interview (Kumusta Kabayan?)na nagbuo yata sila ng archive ng mga sine nya. Sana maging available ito sa public. Maraming bibili nun. Isa na ako!
for TOTOY time machine
thanks fot the reply...sana nga mgkaroon ng mga activties ang NM dto sa california.pero kng gagawin sa pinas eh aattend din ako.excited na ko makita mga brand names, mga objects na nakikita natin nung bata pa tyo, mga pictures.basta yung actual objects nung araw.parang exhibit ba.saya cguro.
teka...ayoko na mg chinese garter....40ish na ko.he.he.he.
pki post nalang kng may makita kang mga old mivies ha. salamat
I remember :
* Strolling at the Japanese Garden (Rizal Park) with my family and watching a live orchestra performing there. Then we eat the restaurant with deaf and mute employees.
* Good Earth Emporium at ang playground nila sa taas.
* Star Rangers. Pag naglalaro kami ako si Star Ranger 4 (yung only girl ba?) Pag Voltes V naman, ako si Jamie (shempre noh?)
* Chippy and Chiz Curlz na may libreng stickers sa loob; Serg's at Nips na parating pasalubong ni Papa galing office.
* Majorette boots nung 3 years old ako.
* COD at ang kanilang Christmas tableus.
* Funny komiks. Favorite ko si Niknok.
* Yung mga bunutan na may prizes katulad ng goma, balloons, o kaya mga small toys.
* VIEWMASTER! Yung kulay pulang parang telescope tapos may films siya na ivu-view mo.
Haayyy..dami pa kaya :-)
Hi LIPAD PARUPARO LIPAD!
Here's a cool photo of
Star Rangers (Goranger in Japan) with the other ranger series JakQ.
Kung mahilig ka sa Pinoy Komiks, check out
Klassik Komiks Covers!
I did a story on View Master a while back and it's right here!
Maraming salamat, and continue to spread Nostalgia Fever!
bakit ganyan ang mga comments niyo sa lolo namin(cahanding)? hnd nyo talga sya kilila that's why you don't understand him.
i miss my grandpa boy Cahanding. RIP. you'll always be missed. i love you grandpa.
tin Cahanding
Post a Comment