"Halina at bibili pa tayo ng uniporme mo sa Central Market!"
Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.
188. Pagkatapos ng tanghalian, ay may Tagalog movies with the rivalry of Tony Ferrer (Agent X44) at Roberto Gonzales. Iyong mga pelikula ni Tony Ferrer magarbo ang mga set, iyong kay Roberto Gonzales ang mga setting mostly ay sa slum area. Pa-inglish pa minsan si Falcon samantala tunog Visaya si Roberto.
189.Sa mga OA (Overacting) na artista, aba, nandiyan si Vic Pacia na pataas taas ang kilay with matching tawa versus Ben David na malaki ang boses pati na ang butas ng kanyang ilong.
190. Central Market (kung galling ka sa Dapitan Street, bago bumaba ng underpass going to Quiapo) na mabibilhan mo ng dry at wet goods? Doon ka makakabili ng mga yaring damit pati mga uniform.
191. Kapag malaking pelikula especially Fernando Poe Jr. movies, unang una ang Cinerama Theater (CM Recto at Quezon Blvd.), considered as number one theater ng kanyang panahon. Sa Cubao, naroon ang Remar.
Kapag double feature, Times Theater, doon mo halos makikita ang mga James Bond movies back to back, plus iyong mga lumang war at epic movies.
192. Kung sa Public School ka nag-aral ng elementarya, nauso noon ang Nutri-Bun sa halagang diyes sentimo pero malaki ang size niya. Kaya lang hindi mo basta basta magugustuhan ang lasa na minsan ay parang luma. Pero okey lang may free namang gatas.
*Many thanks to our good friend Arnel Bagnes.
"Wow! Nostalgia List #30 na! Pakibilisan naman o!"
Craving for more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #28
Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia