December 03, 2007

Sine Nostalgia: Diosa 1981

Nostalgia Manila in cooperation with Sari-Saring Sineng Pinoy proudly presents, Sine Nostalgia! Featuring movie critiques and reviews of the most memorable Filipino movies of the 70's and 80's by the top authority in reviewing nostalgic films, Jojo Devera. Learn about that films that shaped Filipino Pop Culture, and the movies that left their mark in Philippine cinema history.


Maakit At Mahalina Sa Ganda Ng DIOSA

May misteryo sa likod ng sunud-sunod na pagkamatay ng mga lalaki sa angkan ng mga Alegre. Ang dalawang natitirang mga lalaki ng angkan, ang magkapatid na sina Jun (Alfie Anido) at Teddy (Lloyd Samartino) ang naiwang tanging tagapagmana ng kanilang yumaong ama. Naging punong tagapamahala ng kanilang negosyo si Jun. Nakatakda na rin itong magpakasal sa katipang si Joanne (Jenny Ramirez), ngunit nahumaling ito kay Katrina (Lorna Tolentino), isang misteryosang babaeng nakilala nito sa isang disco. Naging madalas ang pagtatagpo ng dalawa hanggang matunton at mahuli sila ni Joanne. Walang hilig sa negosyo si Teddy, pinagtutuunan nito ng pansin ang pagtatapos ng kursong Antropolohiya. Sa kanyang pagsasaliksik ay nagawi ito sa Barrio Alitaptap at dito niya nakilala si Luz (Lorna Tolentino), isang mayuming dalagang naninirahan sa lalawigan. Nabihag ng kasimplehan ni Luz si Teddy at tuluyang nahulog ang kanilang loob sa isa't-isa. Di naglaon ay kinailangang lumayo ni Luz dahilan sa hindi niya nais na mapahamak si Teddy. Nagbalik ito sa Maynila at ipinakilala ni Jun si Katrina sa kapatid. Dahilan sa hindi maitatatwa ang malaking pagkakahawig ni Luz kay Katrina ay nagkaroon din si Teddy ng kaugnayan sa nobya ni Jun. Minsa'y nakita ni Jun sina Teddy at Katrina na magkasamang nanood ng sine at dito nagsimula ang alitan sa pagitan ng magkapatid. Nagtungo si Teddy sa Nueva Ecija at doon ay natuklasan nitong iisa ang babaeng naging dahilan ng pagkamatay ng kalalakihan sa kanilang angkan. Samantala, isinama ni Katrina si Jun sa Barrio Alitaptap upang diumano'y ipakilala ito sa kanyang pamilya. Sinundan ni Teddy si Jun upang iligtas sa napipintong kapahamakan, ngunit naisagawa ni Katrina ang paghihiganti. Nais lamang ng diwatang si Luciernaga (Lorna Tolentino) maibalik ang pag-aaring mga alahas na kinuha ng kanyang ninunong si Don Felipe (Raoul Casado) upang matahimik na ito. Ibinigay ni Teddy ang mga ito at tuluyang namaalam ang diwata.

Isang metaporikal at tuwirang pagdanas sa hamon ng tradisyon ang dinaanan ng magkapatid na Jun at Teddy sa Diosa (Regal Films, 1981). Wala na sa kamalayan ng mga ito ang sinaunang kapaniwalaan. Binulabog ng kanilang ninuno ang dinatnang ayos ng kalikasan at nabulabog naman ang mga ito ng kanilang aroganteng pananaw sa mundo ng supernatural. Sa unang tingin ay tila isang simpleng pelikula lamang ang Diosa. Ito ay behikulong nagsasalarawan ng kinalalagyang posisyon ng mga tradisyong wala na sa kamalayan ng modernong kaisipan. Nagbubukas ang pelikula ng pinto upang tanawin ng nito ang nakalipas at ang malaking posibilidad na maunawaan kahit sa nalohikal at nagohikal na signipikasyon na may isang bahagi ng kanilang katauhang nakikipagtagpo sa guni-guning bahagi ng kanilang reyalidad. Hinikayat ng lingid sa reyalidad na iyo na kinakatawan ng mapang-akit na diwata ang magkapatid sa kaibuturan ng kanyang pinagmulan. Sa ganitong pagbasa, hindi nagkataon lamang na paghihiganti ang nasa ng diwata kundi nais nitong iparamdam ang pakikiisa sa katutubo, gaano man kaganda o kasakit nito.

Direksiyon: Maryo J. de los Reyes

Dulang Pampelikula: Soxy Topacio Kriss Adalia At Jake Tordesillas

Sinematograpiya: Joe Batac, Jr.

Musika: Lutgardo Labad

Editing: Rogelio Salvador

Disenyong Pamproduksiyon: Dez Bautista

Prodyuser: Regal Films


More Sine Nostalgia: Bilibid Boys 1981

Sine Nostalgia is made possible through the kindness of our good friend, and top nostalgia film critique, Jojo Devera. Visit Jojo's Blog at: http://sari-saringsinengpinoy.blogspot.com.

Technorati Tags:, , , ,


No comments:



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!