Morrissey - Suedehead 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
"Why do you come here? And why do you hang around?"
Ang "Suedehead" ay ang debut single ng former Smiths singer na si Morrissey, released noong taong 1988. Ang single na ito ay tumama ng masmataas sa charts kaysa sa mga singles na inirelease ng The Smiths. And cover artwork ng single ay isang litrato na kinuha ni Geri Caulfield sa isang Smiths concert sa London Palladium. Ang "Suedeheads" ay isang subculture na nagmula sa mga original na 60's skinheads movement. Pero ang mga lryics ng kantang ito ay walang kinalaman sa topic ng Suedehead subculture.
Isa ito sa mga paburitong kanta ng mga Pinoy Nu Wavers noong late 80's. Maraming gumaya sa porma at buhok ni Morrissey. Ang kantang ito ay madalas patugtugin ng NU 107 tuwing hapon, pauwi mula sa eskwela.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
No comments:
Post a Comment