October 12, 2006

Nostalgia List #07

"Heeeeerrrrrooooo!" "Helloooo!"
Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.

78. Ang paburito mong noon time show ay Student Canteen! Hosted by: Eddie Elarde, Bobby Ledesma, and Pelita Corales.

79. Swerte sa Siete ang show ni Eddie Elarde bago ng Student Canteen.

80. Malaking lata ng M.Y. San, La Pacita Biscuits, o kaya Fita ang ginagawang lalagyan ng bigas sa kusina. Tapos lata ng gatas ang pang-takal.

81. Sarap na sarap ka sa mga cooking recepies ni Stephen Yan tuwing nanunuod ka ng Wok With Yan. Lagi niya sinisumalan ang show by greeting the studio audience: "Heeeerrrrooooo!" At lagi siyang gumagamit ng ng "Sesame Street Oil..." (Sesame Seed Oil) at "Wanda Pawda..." (Wonder Powder). "Two tehbo spoon foo!"

82. Hit ang "In The Navy" at "Y.M.C.A." ng Village People, kaya nagka sing, dance and look-alike contest ang Eat Bulaga.

"Hay diyos ko! Bilis! Nostalgia List #08 na kasi!"
Need more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #06

Technorati Tags:, ,

14 comments:

Anonymous said...

ang kulet ng post mo lahat yan naaalala ko lol!! very nostalgic naman pala talaga dito :)

DESISYON 2007 said...

bro, pinch-hitter lang si pilita corrales (and/or jacquilou blanco) pag wala si coney reyes. minsan, si helen vela yung pinch hitter until the time na isinama na rin siya.

and, let's not forget, "tito" pepe pimentel at yung mga biyenan jokes niya.

speaking of pepe pimentel...

CLUBHOUSE 9!!!

DESISYON 2007 said...

may kinakanta kami nung high school:

On the twelfth day of Christmas, my true love sent to me...

12 O'CLOCK HIGH...
11 ELEVENTH HOUR...
10 STUDENT CANTEeN
9 CLUBHOUSE 9...
EIGHT IS ENOUGH...
7 PENTHOUSE 7...
6 CHICKS TO CHICKS...
5 VOLTES V...
4 FOR THE BOYS...
THREE'S COMPANY...
TWO FOR THE ROAD...
and a ONE way ticket to the blues.

Nick Ballesteros said...

Memorable si Wok with Yan. Sa kanya ko natutunan kung paano alisin ang balat ng bawang nang hindi naghihimay! Gamit-gamit ko pa rin hanggang ngayon.

Toni said...

Wanda Pawda!!! Awww nasaan na kaya si Wok With Yan.

Anonymous said...

sarap noon pag bata ka at pasko kase andami mong gifts na toys from mom,dad,titos,titas,ninongs & ninangs lalo pa't only boy ka(selos tuloy mga sis mo)
kahit may toy gun ka na from abroad or bili sa Arcegas sa Aurtora Blvd,papabili ka pa rin ng toy gun na yari sa kahoy(palo-tsina) at aliw na aliw ka pagpinapa-ikot mo yung handle sa rightside ng gun at tutunog ito

tuwang-tuwa ka habang pinapanood ang "Gigantor" "Watari" Funny Company""Popeye""Sinbad"The Adventure of Gulliver""Mighty Thor"
"Mobydick""Gumbi""Three Stooges"

hapi ka na sa "3M" pizza at "Magnolia" drumsticks while your dad naman ay umiinom ng brewed coffee na oorderin sa piping(mute) crew sa Luneta
at badtrip ka pag di kayo ngapunta dun sa playground na may malaking sapatos..

ang tex nun malalaki pa at kauna-unahang small version ng tex ay yung "Bruce Lee" na walang dialogue

badtrip din pag pinagsuot ka ng ermats mo ng shirt made of polyester(w/ matching knee-high socks)kaya sa church tagaktak ang pawis mo
at pagnapuna ng dad mo na sumayad na sa tenga mo yung hair mo...hihilahin ka na sa barberya sabay sabi sa barbero ng "Manong, chato po!"
habang ginugupitan ka ni manong ay sabay ang tulo ng luha mo kase di mo trip yung style na yun eh...
pero ng lumaki ka na...sarap na sarap ka sa barberya kase ibang feelings eh(masarap na nakaka-antok),may masahe pa pagkatapos...
at yung "Hair Tonic"

nagsuot ka rin ba ng "Sebago" "Kung fu" shoes?
e yung tranparent na tsinelas o kaya "Happy Feet?"

astig ka noon pagnka-"Hang Ten" ka o "Primo" shirt(counterpart ng "Hane's Beefy" shirt,"Levi's" na semi-bell w/ scarf(big hanky)sa back pocket,plain white or printed "Hanes" shirt at trip mo ay folk at heavy rock music...

tumatambay ka ba sa Greenhills nun at di pa bawal mag skateboard?
saka dati..hindi delikado mag-jogging at 4am,di tulad ngayon..
nung bago pa ang Wendy's sa cubao?
e sa Where Else?,Galactica,MM(MusicMachine),Altitude49..sa Corinthian's,Rock-Ola,Cafe Rafael,Atrium,Cafe Elizalde,Club On,Tavern on the Square...
kilala mo ba ang Zzyzzyx?(an all-female new wave group where Mags Bonnin used to sing)JC bonnin's sis..si Bistek nga pala nkakasabay pa namin sa Rock-Ola w/ his preppy friends...while Ronnie Lazaro was busy w/ his booze...


more blast from the past

from "Mang Edring"

Anonymous said...

eto pa...long-sleeved polo na abot sa edge ng shoulder yung collar,syempre unbuttoned yung 4 buttons para labas yung chest(ala Rudy Genasky/Pabs Dadivas)Faded Glory & Bang-Bang am-bell pants na saklob ang buong high-heel Bulldog shoes while dancin 'Robot'dance to "Disco Duck" & "Bump"
at yung Jukebox sa kanto...paulit-ulit yung song na "Ben" ng Jackson 5(tuloy,namemorized mo yung lyrics)

e yung chaku made of plastic kasi sikat si Bruce Lee at Ramon Zamora
at kahit di pa ubos yung Tide powder ni labandera ay ginugupit mo na yung carton top kasi ipapalit mo ito ng yoyo sa store dun sa kanto
15 sentimos lang ang Yes Cola noon
meron ding Apple Sidra softdrinks
Choco Vim ng Magnolia at si manong magtataho...kabisado ang mga pangalan ng mga kids sa umaga at sa gabi naman si ermats inaabangan
yung mama na naglalako ng kesong puti
aliw na aliw ka sa neon light na naghahi-alai sa taft avenue kasi meron pang Jai-Alai(SkyRoom) nun sa tabi ng Sta. Isabel College sikat ang Good Earth Emporium sa Rizal Avenuu at ang Alemar's Bookstore
play to the max kayo ng friends mo
ng Atari 'til morning at wala pa celfone kaya tele-babad kayo sa phone na sinlaki at singbigat ng shoe ng erpats mo
paggigimik kayo at di kayo pinapayagan ng mga oldies kaya next
time hapon pa lang prepared na yung mga pamporma nyo nasa haus ng isang friend nyo and that night duon kayo dumadaan sa bintana o kaya sa balkonahe ng haus nyo

more blast from the past

from "Mang Edring"

Totoy Time Machine said...

Mang Edring!
Parang magkababata tayo,a! Nakikiliti naman ako sa mga ala-ala mo! Teka, dapat tawagin ko rin sarili ko "Mang Totoy" hehehe!
Naaalala mo rin ba yung 3 flowers pomade na gamit ng mga erpats natin. Nakalbo si ama ko sa kalalagay ng mga pomada nung kabataan nya. Nauso raw kasi. Hayan, lahat sila sa barkada, mga kalbo ngayon. Buti na lang, its the fad nowadays, diba?
Eh yung "Trim Jim"? Green plastic trimmer ng buhok na ginagamit naman ni ermats pang gupit samin pag gustong magtipid sa barberiya.

Anonymous said...

Mang Totoy!

Siguro nga....Three Flowers? hehehe,oo naalala ko yun....yun din kase gamit ni erpats,hehehe saka yung Old Spice...humahalimuyak sa boung room
Nagpalit ka rin ba ng bottle cap ng Pepsi in exchange ng mga psychedelic poster?
Gumagamit din ba kayo noon ng "Drive" detergent soap?
Paborito rin ba ng mga oldies mo yung "Super Laff-In"? hehehe

more from "Mang Edring"

Totoy Time Machine said...

Mang Edring,
OO nga. Old Spice. Reminds me of another brand,too.MANDOM. May TV ad yun na si Charles Bronson ata ang star. "All the world loves a lover, all the girls, in every mandom..."
Nuon, manuod lang ako ng commercial, maligaya na ako. Kasi naman mababaw ata ako nung bata ako. Obvious ba? Naalala ko pa yung mga lumang ads.
Ang dami ngang mga promo nun ng mga "sopisdrinks". Sila rin yung nag-promote ng mga yoyo fads diba?
Naalala ko rin ang unang kinakainan namin na burger joint eh "Big20". Alam ko meron rin sa Orange Julius pero mas madalas kami sa Big20.
More from Mang Totoy

Unknown said...

I remember the good old days I watch the classic commercials like Johnson Wax Kaminomoto medicated plaster Shell gasoline Caltex gasoline San Miguel beer all my favorites when I was six years old during childhood years in the Philippines . Thanks!
From:Wayne

Unknown said...

I remember the good old days long before iPod long before Plsystation long before Nintendo Gameboy before iPad before cable TV etc. Thanks!
From:Wayne

Unknown said...

Inspired from a popular hit by Jerry Wallace released in 1970 the theme song of Mandom/Charles Bronson the famous action star loves men's perfume like cologne roll on deodorant pomade and more as collectors item from the 1970's era will be forgotten the legacy of Charles Bronson. Thanks! From:Wayne

Unknown said...

Long before iPod iPad Playstation Nintendo Wii Xbox cable TV satellite TV CNN HBO Discovery channel Disney channel Cartoon Network etc. Thanks! From:Wayne



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!