Joy Division - Love Will Tear Us Apart 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
Joy Division - Love Will Tear Us Apart
"When the routine bites hard, and ambitions are low. And the resentment rides high, but emotions wont grow."
Nabuo and grupong Joy Division (originally named Warsaw) noong 1976. Ang mga myembro ng grupo ay sina Ian Curtis (vocals and occasional guitarist), Bernard Sumner (guitar and keyboards), Peter Hook (bass guitar and backing vocals) at si Stephen Morris (drums and percussion).
Noong May 1980, sa kinagabihan ng unang US tour ng grupo, nagpakamatay ang singer at frontman ng grupo na si Ian Curtis, dahil sa matinding depression. Ang kanilang single na "Love Will Tear Us Apart" ay ang naging pinaka-mataas na charting release ng grupo. Matapos ang pagkamatay ni Ian Curtis, nag-reform and mga natirang mga myembro ng grupo at binuo nila ang New Order, kung saan sila nakatikim ng commercial success.
Ang kantang "Love Will Tear Us Apart" ay naging standard na pinapatugtog sa NU 107, at kasama sa mga playlist ng mga mobile, at sinasayaw sa mga New Wave parties noong 80's.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
No comments:
Post a Comment