November 12, 2007

Sine Nostalgia: Pepe En Pilar 1981

Nostalgia Manila in cooperation with Sari-Saring Sineng Pinoy proudly presents, Sine Nostalgia! Featuring movie critiques and reviews of the most memorable Filipino movies of the 70's and 80's by the top authority in reviewing nostalgic films, Jojo Devera. Learn about that films that shaped Filipino Pop Culture, and the movies that left their mark in Philippine cinema history.


Sina PEPE EN PILAR Sa Lunan Ng Mga Dayuhan

Ang pagdadala ng diskurso ng pelikulang Pilipino sa dayuhang lunan ay naging uso sa biswal na kultura ng mga Pilipino. Unang hati pa lamang ng dekada '70 ay nagkaroon na ng ganitong takbo sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Natigil man ang ganitong kalakaran sa panahon ng batas militar sa paghihigpit ng pagbibiyahe sa labas ng bansa, nanumbalik muli ito sa dekada '80. Sinubukan ni Maryo J. de los Reyes na suungin ang usapin ng representasyon ng dayuhang espasyo sa pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng paggamit sa komedya bilang mahalagang sangkap ng kanyang naratibo sa Pepe En Pilar (Regal Films, 1981). Lumahok sa Search For Miss San Francisco Soy Sauce si Pilar (Maricel Soriano), isang patimpalak pang-telebisyon kung saan ang magwawagi ay makakapagbakasyon sa Amerka bilang gantimpala. Nang manalo si Pilar sa patimpalak, tumulak ito patungong San Francisco dala ang pag-asang muli silang magkikita ng kanyang nakatatandang kapatid. Habang sakay ng eroplano, nakilala nito si Pepe (Gabby Concepcion), isang migranteng pabalik ng Amerika. Sa mga sumunod na tagpo ay ipinakita ang patuloy na paghahanap ni Pilar at ng kaibigang si Siony (Geleen Eugenio) sa kanyang kapatid. Minsan, pinasamahan ni Siony si Pilar kay Dani (Dani Diovani), ang kanyang nobyo, ngunit pinagsamantalahan ng binata ang dalaga at dala ng labis na takot ay napadpad ito sa kotse ni Pepe. Nahikayat ng una ang huli na kunin ang serbisyo nito bilang tagapag-alaga ng kanyang Lola Rosa (Katy de la Cruz). Di naglaon ay nahulog ang kanilang loob sa isa't-isa, ngunit sa kasamaang palad ay natuntong iligal ang paglagi ni Pilar sa bansa at muling pinabalik sa Pilipinas.

Binuwag ng pelikula ang pagmamasid panturista sa dayuhang espasyo. Narito sa Pepe En Pilar ang espasyong binubuo ng mga migranteng Pilipino sa dayuhang espasyo. Mapapansin ang kahingian ng pagbubuo ng ekstensiyon ng lokal na espasyo sa dayuhang espasyo. Isang halimbawa kung paano binubuo ng mga lokal na produkto mula sa Rufina Patis hanggang sa walis tambo ang ekstensiyong ito sa dayuhang espasyo. Ngunit dahil sa kalagayan bilang dayo nagkaroon lamang ng espasyo ang mga Pilipinong migrante sa pamamagitan ng kanilang lingguhang pagsama-sama upang makapagtakda ng sarili nilang espasyo sa loob dayuhang espasyo. Magulo, hindi maayos, maraming tao ngunit kinakailangan para sa kaligtasan ng lahat lalung-lalo na kung iligal ang pagpirmi sa dayuhang espasyo. Narito rinmang banggan ng mga kulturang Pilipino na hindi panturista ang dayuhang espasyo kung kaya kinakailangang magsikap. Ganito ang naging payo nina Siony at Pepe kay Pilar. Ang mahalaga'y nabubuwag niya ang pagmamasid panturitsa sa dayuhang espasyo, kung kaya't ibinitin din ng pelikula ang konklusyon kung magiging maligaya sina Pepe at Pilar sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas. Dahil hindi na mahalaga kung saang pisikal na espasyo inilulugar ang indibidwal na tao.

Direksiyon: Maryo J. de los Reyes

Dulang Pampelikula: Toto Belano At Jake Tordesillas

Sinematograpiya: Joe Batac, Jr.

Musika: Demet Velasquez

Editing: Rene Tala

Disenyong Pamproduksiyon: Desarie Sy (San Francisco), Butch Garcia At Edwin Garcia

Prodyuser: Regal Films


More Sine Nostalgia: Shame 1983

Sine Nostalgia is made possible through the kindness of our good friend, and top nostalgia film critique, Jojo Devera. Visit Jojo's Blog at: http://sari-saringsinengpinoy.blogspot.com.

Technorati Tags:, , , ,


No comments:



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!