Nostalgia List #15
"Bili ka ng Coke litro sa kanto."
Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.
118. Tuwing pasko may carnival sa kanto ng Edsa at Ortigas. (Doon ngayon nakatayo ang Edsa Shrine). Malaking lote pa yun noon na abot hanggang poveda.
119. King Sue ang isa sa mga brand ng hamon na nauubos pag dating ng pasko.
120. Napansin mo minsan na mukhang mas maraming commercial ang Gold Eagle beer, pero bumabawi ang San Miguel pag pasko.
121. Ang available sizes ng bote ng Coke noon ay Family Size, at 8 oz. Di nag tagal, nagkaroon ng 12 oz. at Coke Litro na prinomote ng VST & Company sa kanilang nationwide Coke Tour.
122. Field trip ng school mo sa Magnolia Plant sa Aurora Boulevard. Doon din kayo ng pamilya mo pumapasyal para kumain ng ice cream treats sa Magnolia Ice Cream House. Meron din namang Magnolia Ice Cream Parlor sa lumang Quad.
"Aber?! Nasaan na ang Nostalgia List #16?!"
Want more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #14
Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia
6 comments:
You're back! Happy New year!
speaking of vst, ngayon nasa isang downloading spree ako ng vst mp3s. the classics! lol.
happy new year, nostalgia manila!
(btw, i've moved my blog to blog.corsarius.net..if you have the time, please update your links. thanks a lot! :))
Never mo ma-miss ang Magnolia ice cream tuwing may okasyon...Pwedeng ice cream cup kapag may birthday party or drumsticks, popsicle. Kapa Christmas and New Year naman bumibili kami ng ice cream cake sa Magnolia Ice Cream House.
Sa Greenhills or Quad naman, Coney Island Ice Cream naman ang mabenta. Fave ko yung green colored pistacchio flavor(tama ba ang spelling?).
I also remember Uncle Martin's ice cream sa Virra Mall sa may ilalim ng escalator.
mabili din ung 500ml na sofdrinks! sayang wala na un ngaun.
The Gold Eagle commercial that I remember was with the Bad Bananas sa bilyaran. Yung may isang lalakeng nang-aasar dahil bano sila at nang pinag-laro nila siya e lahat pasok sa mga side pockets. Remember it now? I think nasa YouTube yung commercial na yun.
Sayang yung Magnolia Ice Cream Parlor sa Quad. Kuwento ng mama ko, giniba daw at kinalalagyan ngayon ng parlor ni Ricky Reyes. Hindi bale na, malapit na ring gigibain ang mga natitirang istruktura ng Quad. Papalitan daw ng mga Ayala.
Post a Comment