November 19, 2007

Sine Nostalgia: Atsay 1978

Nostalgia Manila in cooperation with Sari-Saring Sineng Pinoy proudly presents, Sine Nostalgia! Featuring movie critiques and reviews of the most memorable Filipino movies of the 70's and 80's by the top authority in reviewing nostalgic films, Jojo Devera. Learn about that films that shaped Filipino Pop Culture, and the movies that left their mark in Philippine cinema history.


Katulong... Kasambahay... ATSAY

Nakabigkis sa isang ironiya ang pangunahing tunggalian ng pelikulang Atsay (IAN Film Productions, 1978). Kailangang maghanapbuhay si Nelia (Nora Aunor) sa siyudad upang tulungang buhayin at itaguyod ang sariling pamilya, dala ng matinding kahirapan. Sa huli, kakailanganin niyang mamili bilang biktima ng karahasan sa siyudad at bilang babae. Nasa paglalahad ng dramatikong tensiyon at paggalugad sa mga konteksto ng bubuuing pasiya ang kabuluhan ng pelikula. Atsay na maituturing si Nelia dahilan sa wala itong ibang abilidad, tanging ang paninilbihan lamang bilang katulong ang kanyang maaring gawin. Namasukan si Nelia kina Mrs. Anton (Angie Ferro) at doon ay kanyang dinanas ang labis na kahirapan at ang di makataong pagtrato sa kapwa.

Iigiting ang takbo ng kuwento sa paglipat ni Nelia sa tahanan nina Mrs. Tulio (Armida Siguion Reyna). Bunga nito, papayagan nitong gamitin ng among lalaki (Renato Robles) ang kanyang pagkababae. Bagaman maayos ng bahagya ang pagtrato kay Nelia, hindi pa rin magiging madali para sa kanya ang bagong sitwasyon. Bukod sa pagtupad sa mga responsibilidad sa pamilyang pinaglilingkuran, kailangan niyang hatiin ang sarili sa mag-asawa at pamilya sa lalawigang nag-aagawan sa kanyang atensiyon. Masasaksihan din niya ang hirap ng paninimbang sa pinagsisilbihang pamilya. Pinatitingkad ang pelikula ng mga katangian ng melodrama na makikita sa ilang ipinamalas nitong kumbensiyon. Pangunahin sa mga katangiang ito ang pagtatampok sa katauhan ni Nelia na tigib ng hirap at pighati sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa pagtupad sa mga tungkuling iniatang ng lipunan sa babae. Bilang anak, kailangan niyang tiisin ang pangungulila sa sariling pamilya habang naninilbihan sa ibang pamilya. Bilang atsay, kailangan naman niyang hatiin ang hapong katawan sa samot-saring gawain ng pagiging katulong sa bahay, at balikatin ang iba pang domestikong pasanin ng pinagsisilbihang pamilya.

Ngunit binibigo rin ng ang karaniwang ekspektasyon sa isang pelikulang melodrama. Isa pa, maingat na binuo ang karakter ng mga tauhan kaya naman kumikilos sila hindi ayon sa paghuwad sa mga gasgas na karakterisasyon kundi ayon sa maingat at talinong paghimay sa iba't ibang tensiyong kinakaharap ng mga tauhan. Mahusay at matalinong nagampanan ni Nora Aunor ang pagsasalarawang may kakayahang umarok at umunawa, mag-isip at dumama, magpasiya at kumilos tungkol sa iba't ibang hamon ng kanyang mundo, pati ng samot-saring komplikasyon ng malawak na reyalidad ng mga taong nakapaligid sa kanya. Sa pagsapit ng kasukdulan ng naratibo, may magandang alok na dudulog kay Nelia, ang pagkakataong magmahal at mabuhay sa piling ni Pol (Ronald Corveau). Ngunit mangangahulugan ito ng pagbibigay ng pag-asa. Kung maghahandog lamang ng ideyalistang pagtatapos ay madaling hulaan ang mga posibilidad para wakasan ang pelikula. Bibigyan ni Nelia ng pagkakataon ang sariling madama ang tunay na kaligayahan sa piling ni Pol. Sa pagtatampok sa proseso ng pagpapasiya ni Nelia, naipamamalas kung paanong ang melodrama ay nagagamit sa paglalarawan ng damdamin, ligalig,at iba pang aspetong personal, at kung paanong sa pagsasadula ng mga dinaranas na mga agam-agam at pighati ay mapatingkad ang pakikibaka ng mga tauhan samga institusyon at estrukturang panlipunan. Hindi lamang ang paluhain ang manonood ang pakay ng pelikulang Atsay kung gayon. Nagpapahiwatig din ito ng bagong kabatiran tungkol sa pagkatao at lipunan, at ng posibilidad sa paghuhunos ng anyo ng melodrama ng sineng Pilipino.

Direksiyon: Eddie Garcia

Dulang Pampelikula: Edgardo M. Reyes

Sinematograpiya: Romeo Vitug

Musika: George Canseco

Editing: Jose H. Tarnate

Prodyuser: IAN Film Productions


More Sine Nostalgia: Pepe En Pilar 1981

Sine Nostalgia is made possible through the kindness of our good friend, and top nostalgia film critique, Jojo Devera. Visit Jojo's Blog at: http://sari-saringsinengpinoy.blogspot.com.

Technorati Tags:, , , ,


No comments:



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!