Xmal Deutschland - Matador 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
"Take the red carnation. Carina, place it in your hair. La-la-la-la-run to the arena.
Ang Xmal Deutschland ay isang musical group na galing Hamburg, Germany. Nabuo ang grupo noong 1980 bilang isang all-girl band at sumikat sa labas ng kanilang bansa. Ang vocalist na si Anja Huwe ay laging ikinumpera sa kanyang kakuntemporaryo na si Siouxsie Sioux ng Siouxsie & the Banshees. 1986 inirelease itong kantang Matador at naging paburito ng maraming New Wavers dahil laging pinapatugtog ito sa NU 107, at laging isinasama sa mga Nu Wave Compilation tapes.
May halong German at Spanish ang original lyrics ng kanta, at dahil kakaunti lang ang nakakaalam ng totoong lyrics noon (pati sa Jingle Magazine mali!), ay ginawan ng patawang Tagalog lines ang lyrics ng kanta at kung anuanong version ang ginawa ng maraming Pinoy fans. Heto ang pinaka sikat na patawang version noon.
ORIGINAL LYRICS:
Oh was fur ein fest
Take the red carnation
Carina
Place it in your hair
La-la-la-la-run to the arena
Give it to your matador
Matador....
Matador....
Matador....
Oh was fur ein fest
Spectacular - and in the avenidas
They celebrate the game
La-la-la-la-loud about devotion or death
Matador
POPULAR TAGALOG SPOOF LYRICS:
Oh, oh, pati anghit
Take a red carnation
Galing niya
Place it and you're here
And la la la laro, to de arina
Give it to you, magtanong
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
2 comments:
may tape kami niyan ng kuya ko noon. binili namin sa recto.
wow flashback! i forgot about this song! i was in highschool and i used to play this at our nu wave parties. this site rocks!
Post a Comment