"Mahirap noon mag-happening at kailangan makauwi naka kaagad at may curfew noong Marital Law days...."
Dalawa lang ang grupo noon; either maka-Crispa ka o maka-Toyotas ka. O di kaya naman San Miguel ka o Beer Hausen ang toma mo....
Eh bakit pa Coke eh kung masmura ang Sarsi lalo na pagkatapos mag-basketball. Sabayan mo pa ng pandikoko o pandesal, dalawa lang ay busig ka na kasi nga puro laman at di puro hangin yung tinapay. Pag minamalas-malas, eh di Choc-Nut o Texas...
Kung sa pormahan lang, bigatin ka noon kapag: naka-Nic-Nic, Faded Glory o di kaya Bang Bang at siyempre dapat ang yosi mo Marlboro blue no....
Biyernes ngayon kaya dapat nasa Ortigas Unimart area ka at doon lagi ang happening; of course, era ng drag race (naka-CAM ba yan?) at Shakey's. Not to mention of course, WhereElse sa Hilton. O di kaya mag TIBS na lang sa may Makati ave. At pag minamalas-malas ka, darts la lang muna tayo...
If you live around the Pasig till Quiapo area, nothing beats the BARON bus lines. Di bale na kung tayuan, habol mo ay yung sounds and the rock ambiance of those days. Pati na rin yung mga mini-buses..eh ano kung eight-track walang sinabi noon yung Love Bus (the very first aircon bus lines to conquer the streets of the riding public)....
"BREAK BREAK...10-4 good lady..." Of course, lets not forget the days of the CB (Citizens Bond), rubber ducky,,,ay naka-bull whip!!!
Maalikaya....ooops, mali, mali!!!!
Kung taga-UST ka, tambayan mo ay yung Resto, kung UP naman, doon sa Quiosk o sa sunken o di kaya naman sa may tulay (ay!)...o mga mare't pare...kayo na magdugtong dito....
Dating presyo ng mga bilihin: Sine P1.50, pamasahe sa jeep 15c, isang kahang Marlboro P1.00, beer 35c, sarsi 15c...magpa-gupit ka pa 50c, texas lima 5c...lang hiya, eh san ka pa...
Reader Nostalgia from our friend: Ramon
Have some nostalgia of your own? Share them with us! Send your emails to: nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com.
Technorati Tags:70s, nostalgia