Nostalgia List #04
"Lipad, Darna, Lipad!" Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.
64. Ang sikat na heavyweights noon ay sina Ike Lozada at Dabyana.
65. March 23, 1973 ang opening day ng "Lipad, Darna, Lipad!" starring Vilma Santos, breaks box office records. Ang cast ay nag-pamigay ng Darna dolls, at ang Coca Cola ay nagpamigay ng Darna character masks. Hindi pa matangos ang ilong ni Ate V noon, as you can see sa mga letrato rito.
*Salamat kay Eric Cueto ng Official Mars Ravelo's Darna Website*
66. Every Sunday hinahanap mo yung "A slice of life" cartoon page ni Larry Alcala sa Panorama Magazine. Naka bellbottoms pa yung mga tao sa drawing niya. Nakakatuwang full-page cartoon na hahanapin mo yung mukha ni Larry na nakatago.
67. Hindi ka makatulog dahil sa movie trailer ng "Shake Rattle And Roll".
68. Gumigising ka ng maaga tuwing Sabado para lang manuod ng Saturday Fun Machine. Nabibwiset ka pag hindi mo naabutan ang mga cartoons sa simula.
*Here's a good list of Hanna Barbera cartoons na pinapalabas sa Saturday Fun Machine*
Ilang tulog na lang at List #05 na! "Ows?! Hindi nga?"
Need more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #03
Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia
4 comments:
wonderful site! brings back so many memories. your blog prods me to dig up all our old reader's digests, focus and panorama mags and look at them in a different light.
OMG!
Haha. Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita ang mga images ni Vilma Santos as Darna. Seriously.
Nakakatuwa. I get to see/view clips that are even older than me. Nice site. :P
nice site....
Funny! Panalo na naman ang latest post mo, Skye.
Eto, baka pwede pandagdag sa mga nostalgia lists mo:
Kung ang Amerika may Saturday Night Live, tayo naman merong CHAMPOY (Channel 9, kasama sina Subas Herrero, Noel Trinidad, Tessie Tomas, atbp.) at T.O.D.A.S (Channel 13, kasama sina Tito, Vic at Joey, Val Sotto, atbp.). Di nagtagal, dumating din--siguro mga mid to late 1980s na--ang GOIN' BANANAS (Channel 2, kasama sina Boyet de Leon, Johnny Delgado, Jay Ilagan, Edgar Mortiz at later on, Al Tantay). Pero di hamak na mas nakakatawa ang Champoy at T.O.D.A.S. Sadly, wala na ang mga programang ito. (Buti na lang may Bubble Gang)
Post a Comment