September 26, 2006

Nostalgia List #03

"Uuuuy! Pahingi naman!" Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.

59. Si Bert Tawa Marcelo at si Pelita Corales ang hosts ng Bagong Kampeon. Natatawa ka sa mga jokes ni Bert, at pag nagtatagalog si Pelita meron siyang Cebuana accent.

60. White Rabbit candy, nakakain mo yung papel! Minsan nakikita mo na offering sa Sto. Nino ng bahay ng lola mo.

61. Haw Flakes, kungyari 1st communion.

62. Sa Club Filipino at Jeepney Bar sa Intercon Hotel ang may pinaka-masarap na Fresh Mango Juice, at Green Mango Juice. May totoong mga Jeepney sa loob ng Jeepney Bar noon na pinapasukan mo at doon sa loob ng Jeepney may mesa kung saan ka paghahandaan. Tapos pwede ka umupo sa harap ng jeep para magkungyari na ikaw ang driver na namamasada. "Beep! Beep!"

63.
Wala pang cable noon, pero meron namang Far East Network (FEN) ng US Armed Forces. Doon ka unang nakapanuod ng Wheel Of Fortune. *Salamat kay Alvin*

Don't go away! Nostalgia List #04 coming up! "Sarap naman!"
Need more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #02

Technorati Tags:, ,

Notstalgia Manila

18 comments:

Anonymous said...

A trip to my memory lane... hmm yung white rabbit with "eatabol" white wrappers yung nginunguya ko habang nanood ng first wide screen trip ko na Star Wars: Return of the Jedi! Yung "Haw" naman na-remember ko na medyo maasim diba? Bah, am I that old na ba? hehe.

Raymond said...

Haaay... ang saya saya naman dito. Nakakatuwa! Brings back the memories. Pero may Haw flakes parin ngayon ha. Wala lang. Hehe.

Ummm... Link ko po kayo sa blog ko ha? Thanks!

OMGsunshine said...

hey! i want some white rabbits. XD

misisnipao said...

Ready, sing!: Sunny Orange I love You! In orange, grape and strawberry....

Anonymous said...

Seiko, saiko, wallet, ang wallet na maswerte.

Acebedo optical, Acebedo optical, halina kayo sa Acebedo optical.

Ano ba yung video rentals after ng movies sa IBC 15 or RPN 9.

Yung free toys sa mga chikedees and other chicherias.

Hay ang tanda ko na...

Anonymous said...

hanggang ngayon kumakain pa din ako ng haw flakes... pero mas nauna ko yatang nakilala yung cherry balls na tinitinda sa mga sari sari store na tig-lima singko... na ginagawa pang lipstick minsan... hehehe... wala na yatang ganon ngayon namimiss ko na..

Anonymous said...

Masarap din noon yung "Cow Label", parang beef jerky na sweet and spicy, kaya lang mahal, kaya minsan lang ako nakaka kain noon.

Anonymous said...

hm..ano nga ba?

1. yung saturday cartoon line up na alam mo ng papangit na pag pinalabas na ang "lone ranger" kasi si naman cartoon yun..

2. rocky road (?), yung local maltesers... hmmm, chocolate

3. QUAD 1,2,3

4. Dance Fever! Atsaka yung pinoy version na parang Easy Dancing..

5. Joey and Son at Happy House.. Hahaha!

Anonymous said...

I remember FEN! Every saturday my brother and I would wake up early to watch cartoons. If I am not mistaken in the afternoon meron WWF. That's also where I first watched Oprah, Phil Donahue and the Arsenio Hall Show.

I enjoy reading your blog. Keep up the good work! :-)

Nostalgia Manila said...

Anonymous,

Thanks! Continue to spread Nostalgia Fever!

Anonymous said...

hay naku...puro naman sosyal lang na pagkain ang naaalala nyo eh...how about yung MANGKEPWENG na cheese curls na tig 10 centavos isa? (sana naman may nakatikim sa inyo nun...) at yung MR. Sinko candy ( lima sinko nun! minsan may libre pang pekeng gold na sing sing! lol)
at yung magbo-bote na imbes na pera ang ibigay eh cheese curls na ubod ng alat ang ibinibigay (at gustong gusto naman natin kahit maalat!)meron parin bang SUNDOT KULANGOT ngayon? (sarap nun!) eh yung POPEYE na powder na nasa sachet or ung FANTA, coke etc. softdrinks kuno na nasa plastic container pero powder din ang laman at hihigupin mo sa straw at mabibilaukan ka sa sarap!hahahaha! (10centavos isa), eh yung milo chocolates kuno na square square(10 cents isa), TIRA-TIRA, yung bubblegum na papula (ipapahid pa natin sa lips natin para kunwari mapula labi natin)lahat halos nito eh mabibili mo sa maliit na sari-sari store. at sino ba naman ang makakalimot sa delicious NUTRIBAN sa public school natin? (im sure di alam ng mga nasa exclusive school eto) with peanut butter palaman na ubod ng oily! hahahahaha!...at idadagdag ko lang dun kina ciara at buruguduy eh yung PILIPINAS LIFE INSURANCE...hangang ngayon umaalingawngaw parin ung jingle nila...

PILIPINAS
PILIPINAS LIFE
PILIPINAS LIFE INSURANCE COMPANYYYYYYYY!.....

ahahahaha! at tuwing hapon sa channel 9...mga black and white na palabas ( or dahil black and white lang tv namin...di ko alam hehehe),
yung si darna and ding (yung nabuhay ang mga patay at zombie si walter navarro). anak ng bulcan(FPJ). palos (BERNARD BONNIN). original tony falcon - agent x-44(TONY FERRER). doplhy comedy films....atbp.

yung video rentals after palabas sa channels 9 and 13...eh RCA video yun
(take note channels 9 & 13 ang pinaka bonggang channels noon. lampaso ang 2 at 7 hahahahah!)
nanunood lang sa 7 pag student canteen (contest ng body language portion where fredda fonda won!) hahahah naaalala ko pa yun!)

discorama with bobby ledesma (pinoy version ng dance fever ni deni terio)

rat patrol,wild wild west,mork and mindy,combat,chips,man from atlantis,six million dollarman,incredible hulk,...dami pa..hahaha

ang cartoon fest tuwing sabado -
SATURDAY FUN MACHINE!
from 9 am - 12 pm! woohoo!
unang una dun eh yung THE GREAT SPACE COASTER (yata yun..im not sure whats the exact title) yung my news segment si gary gnu..hahahah. sundan ni captain caveman at wacky races.tapos SUPER SIX...then Space Ghost. di ko na matandaan yung iba...at pang huli yata eh super friends...JLA. hayyyy! siguro naman alam nyo na edad ko? hehehe

at ang pinakapaborito ko sa lahattttt!:

iskul bukol (this is a classic!)...
&
MANGKEPWENG movies ni papang chiquito!(RIP)..at ang di matutumbasang zombie of all time in the Philippine cinema na si PILING! ahahahahahah.

Totoy Time Machine said...

Ha'mo mangkepweng, may kababata ka dito na nakaka-alala ng mga sinabi mo- ako! LOL! Piling? Di yata't sya yung zombie sa "Mga Bata ng Lagim" ? Yung Sampaguita Pictures film na all-star cast:Rosemarie Sonora's pigtails na tumataas pag natatakot, si Chichay na accidentally nagpunas ng "langis ng manananggal" at naging manananggal (ang haba isulat, whew!)at ang mga baklang multo na kumanta ng "Twisters,Twisters... (sisters)".
Kung may mali sa sinabi ko paki-correct. Base lang ito sa aking mga ala-alang nakakalawang na!

Oo nga, elitist pa rin tayong mga pinoy mag-reminisc, hehehe! Pati yung mga laman ng red-capped garapon ni Aling Ano sa sari-sari store eh kinalimutan.Pati ba yung "dirty ice cream" inisnab na gaya ng pag-snub ng Beatles kay Madam?
Segue yun. Basahin ang separate post. Marami ang hindi pa pinanganak ng nangyari ito.

Anonymous said...

mangkepweng, d rca video yun... R A home video... sa cash and carry yun dati, sa makati... =)

Anonymous said...

enercon jingle

Rom said...

Ayun RA Home video, kala ko Magnavision :p. Meron bang nakakita nung video na yun sa YouTube? Hindi ko mahanap..

Anonymous said...

"sunshine city" [jingle]

Come with me~eeee, to sunshine city, where the people.....

Anonymous said...

tanda niyo ba ung Orange drink na nakalagay sa maliit na plastic
bottle na di clear color orang na plastic ung takip nya...d ko na maalala kung tampico ba yun...baka naman alam nyo pa

Anonymous said...

ENERCON JINGLE

don't u think it's time for changes in ur life?;
so let the day b the first day ...

a style that saves, that dose'nt waste; today u lead the enecon way..
do it 2 day, 2day

*enecon people, the future belongs 2 u



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!