September 27, 2006

"Saan mo gusto pumunta? Lipad tayo!"

"The special Philippine art of mixing East and West." 7 years old lang ako noong unang sumakay ako ng eroplano patungong US. Nagtratrabaho ang nanay ko sa isang travel agency sa Manila kaya panay ang biyahe namin noon. Lagi kong binibisita ang kanyang opisina pag walang eskuela. Isa yun sa mga paburito kong lugar na bisitahin dahil marami akong natututunan at nakikita, at siyempre babad ka sa masarap at malamig na aircon buong araw! Lagi kong tinitingan yung mga makulay na travel posters na naka-mount sa pader ng opisina. Sari-saring mga poster na may mga letrato ng ibat-ibang lugar mula sa ibat-ibang parte ng mundo: Sweden, China, Japan, Holland, at iba pa. Pag may bumubisita na taga PAL (Philippine Airlines) lagi siyang may dalang pasalubong para sa akin: minsan binigyan ako ng original na PAL Boeing 747 na airplane model. Mabigat dahil gawa sa diecast metal. Isa yun sa mga paburito kong laruan noon. Lagi ko rin dala kung saan ako pumapasyal ang aking PanAm airline bag na pinupuno ko ng kung ano-anong mga abubut na galing sa opisina at sa mga previous flights. Siyempre nabigyan din ako ng magandang dark blue na PAL airline bag. Sa loob nito ay may kumpletong toiletry kit na may logo ng PAL.


Vintage PAL Tickets, Boarding Passes, Vouchers, and Stubs
(CLICK ON IMAGE FOR LARGER VIEW)

Halos lahat ng makilala mong magagandang babae noon, gusto maging Flight Stewardess! Yun ang mga pangarap ng mga magagandang dalaga noon. Ang tinggin ng mga tao sa mga Flight Stewardess noon parang model o sikat na artista. At siyempre mas sikat yung mga piloto. May ninong ako noon na piloto at lagi siyang may bonggang handaan sa kanyang bahay. Lagi silang umuuwi ng may mga bagahe na umaapaw ng pasalubong, kung ano-anong mga regalo at chocolate na hindi mo mahahanap sa Manila. Pag umuuwi ang nanay ko galing sa biyaheng abroad, malaking event ang pagbukas ng maleta. Siyempre nandoon ang mga pasalubong diba? Pero ang talagang habol ko noon, ay yung amoy ng loob ng maleta sa unang pagbukas. Ang amoy ay parang nag halo-halong amoy ng pabango, bagong damit, bagong sapatos, mga foreign shopping bags, at sari-saring mga chocolate. Hindi ko makakalimutan ang matamis na amoy ng travel.


PAL Magazine Ad 1970


PAL Magazine Ad 1974


PAL Magazine Ad 1975


PAL Magazine Ad 1977


'70s PAL Airline Bag



Technorati Tags:,

3 comments:

Arthur said...

I hope you still know that beautiful Tisay model sporting a "bob" shown on the PAL. Crush ko sya! ^_^

Nostalgia Manila said...

Arthur,

Ang ganda niya no?! Wala nang ganyan ngayon na hindi nag-paparetoke. Hahaha. Iba talaga noon. Wala pang photoshop at plastic surgery. Talagang natural beauty.

Totoy Time Machine said...

Insecure na estudyante pa si Vicky Belo nun. Eventually nakapag-bukas ng raket para sa ibang insecure sa image gaya nya.Sino nga ba ang beautiful Tisay na ito?



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!