Culture Club - It's A Miracle 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
Culture Club - It's A Miracle
"Guns that cross the street, you never know who you might meet who's in disguise. "
Ang "It's A Miracle" ay ang pangatlong single ng Culture Club mula sa kanilang multi-platinum release album "Color By Numbers". Released noong taong 1984, ito ang pang limang hit ng grupo sa UK, #13 sa US Hot 100, at umabot ng Top 5 sa Canada. Isa sa pinaka masayang panuurin na music videos ng grupo na nakikitang naglalaro sa isang giant game board. Naging malaking hit ang kanta sa Manila noong mid-80's at madalas patugtugin ng mga radio stations dahil sa dami ng nagre-request. Lagi mo mahuhuling pinapatugtog ito ng mga Culture Club fans sa mga parties at sa eskwela, kasama na rin ang mga ibang culture Club hits kagaya ng "Love Is Love", "Mistake No.3", at and kanilang first hit ang "Karma Chameleon".
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
1 comment:
Marami silang magandang kanta. I also love the War Song and Move Away.
sa Wedding Singer movie ni Adam Sandler at Drew Barrymore, kasama ang Do You Really Want to Hurt Me. Kakaaliw.
Post a Comment