May 01, 2007

Napalo Ka Na Ba Ng Sinturon?

By: Jake The Miserable

Ang pinakaunang pagpaparusa na ginawa sa'kin nu'ng bata ako e 'yung iniluhod ako sa munggo ng nanay ko. Siguro mga apat na taong gulang pa lang ako niyan. Nu'ng maglaon, umakyat na sa Level 2 ang parusang ito dahil idinagdag niya ang pagpapapasan sa'kin ng diksyunaryo sa kaliwang kamay ko at ang Banal na Biblya sa kanan habang nakaluhod sa asin.

Nu'ng maghiwalay ang mga magulang ko, lumaki naman ako sa piling ng mga kasambahay na hindi yata tumatagal sa'kin dahil sa talento ko sa katigasan ng ulo. Sa pagkaka-alala ko, laging kaming dalawa lang ng isang kasambahay ang naiiwan sa bahay dahil OFW pa noon ang tatay ko.

Isa sa mga paboritong nilang pagdidisiplina sa'kin ay ang pag-iwan sa'kin, mag-isa lang ako sa may tarangkahan ng bahay at madilim na silang uuwi. At dahil takot akong mag-isa sa dilim, madalas e dinadatnan akong humahagulgol. Umaabot yata sa New Zealand ang mga pagngangawa ko nu'n. Naging karaniwan na ring parusa sa'kin ang pagkakakulong sa madilim na CR mula anim na buwan hanggang isang taon.

Minsan namang lumagi ng matagal na panahon ang pinsang-buo ko sa bahay namin. Pinili niya kasi ang bahay naming bilang kanyang asylum. Siya ang nagtuloy sa pagpapalaki sa'kin, at siya rin ang nagturo sa'kin ng samutsaring mga bagay. Sa kanya rin ako nakatikim ng mala-Batas Militar na pandidisiplina. Ang sinturon ay ang primary weapon niya sa tuwing gagawa ako ng kapilyuhan, bukod sa napaka-generic na kurot at sampal.

Kung kasabayan kita ng panahon, malamang ay pinalaki ka sa siyesta, o ang compulsory na pagtulog sa tanghali. Ito ang isa sa mga pinaka-ayaw kong bahagi ng aking kabataan. Habang ang mga kaedaran ko ay masayang naglalaro at nagbibilad sa araw sa labas ng kanilang mga kural, pilit naman akong pinatutulog ng pinsan ko. Pinaka-ayaw ko ito dahil hirap na hirap naman talaga akong matulog sa tanghali. At kapag nalaman niyang hindi ako nakatulog sa tanghali, parusa niya sa-kin na hindi niya ako pinapabangon sa higaan hanggang 6pm. Saving grace ko ang boses ni Noli de Castro sa TV Patrol ito lagi ang nagsisilbing hudyat na napagsilbihan ko na ang sintensya ko. Kapag naman nakakatulog ako, reward niya sa'kin ang karapatang bumangon ng 4pm, lumasap ng masarap na merienda, at magsaya sa panonood ng mga cartoons (Shaider at Masked Rider Black naman kapag weekends).

Pinsan ko rin ang nagtaguyod at tumulong sa aking Primary School life. Tulad ng nabanggit, tinuruan niya ako ng maraming bagay. Personal ko siyang tutor bago ako pumasok sa school at bago matulog. Tinuruan niya akong magtali ng sintas, at kung hindi ko ito nagagawa ng tama, instant kurot ang naghihintay sa'kin. Nu'ng hirap na hirap naman ako sa pagkakabisa ng The Lord's Prayer, Hail Mary, at Glory Be (nga ba 'yung pamagat ng Glory be to the Father, to the Son, and to the Holy Spirit, blah-blah-blah), ipinabigkas niya ang mga ito sa'kin ng tig-i-isandaang beses bawat araw. Daig ko pa ang Holy Week dahil isang beses lang ang Pabasa. Mahigpit din ang pagbabawal sa'king maglaro ng Nintendo Family Computer kapag may mga mali akong sagot sa mga battery exams sa Algebra at English na araw-araw niyang binibigay.

Isa rin sa mga malaking issue sa'kin ang wastong pagkain. "Walang tabi-tabi!" 'Yan ang opening remarks niya sa tuwing haharap na ako sa hapag-kainan. E hindi ako kumakain ng mga taba, mga atay at balun-balunan, at halos lahat ng uri ng gulay o kahit ano basta kulay green. Hindi na kataka-takang inaabot ako ng tatlong oras sa pagkain. Tinutulugan na yata ako ng guardian angel ko. Bawat pagsubo ng mga pagkaing nabanggit ay parang countdown ng kamatayan ko (napaka-aga naman sa edad kong pito na yata). Required na dapat maubos ang lahat ng nasa plato hanggang sa pinakahuling butil ng kanin. Ito ang isa sa mga dahilan kumbakit hindi ako nakakapanood ng Takeshi's Castle sa Channel 13. Madalas din niya akong hindi pinalalabas ng kwarto kapag nakagagawa rin ako ng ibang mga krimen.

Nu'ng lumipat na ng tirahan ang pinsan ko, akala ko e magiging ayos na ang lahat. Magagawa ko na ang lahat-lahat ng mga trip kong gawin. Wala na akong siyestang aalahanin at makakain ko na ang mga gusto kong lang na ulam. Hindi pala.

Isang araw na lang, umuwi ang tatay ko mula abroad na may kasamang <*suspense music*> asawa at ang anak nila. Indonesian ang breed ng mga ito. Nu'ng una, maayos ang pakikitungo ng bago kong madrasta. Mabait. Pero nang maglaon, mas malala pa pala siya sa pinsan ko. Pakiramdam kong sumailalim ako sa Kamay Na Bakal.

Mahilig siya sa mga pagkaing sooobrang pina-anghang sa sili. Bawat ulam yata naming ay mayroong humigit-kumulang 32767 siling labuyo na mas mapula pa sa Valentine's Day. Isa ito sa mga primary weapon niya dahil kapag hindi na naman ako kumain nang tama, asahan ko nang kakagat ako ng isang malupit na sili. Umabot yata ng sampung dekada ang anghang sa dila ko. Bukod dito, sa kanya rin ako nakatikim ng sinturon na ang ipinampapalo ay bakal. Bukol, pasa, at gasgas ang inaabot ng mura kong balat. Iniumpog na rin ako sa ulo kapag nagpa-power trip siya. Sa pagkakaalala ko, sintalim yata ng katana 'yung mga kuko niyang ipinangkukurot sa'kin kapag ako naman ang nagpa-power trip sa "kapatid" ko. Magkatulad din sila ng pinsan ko sa pagdidisiplina sa'kin sa usapang siyesta. Naging ganito ang mga uri ng pagdidisiplina sa'kin hanggang sa tuluyan na akong grumaduweyt sa kanya nu'ng Grade 5. Naghiwalay sila ng tatay ko at ibinalik siya sa kanyang pinanggalingan. Parang nabunutan na ako ng tinik dahil sa nangyaring 'yan.

Swerte ko lang, hindi ako nakatikim ng pisikal na parusa sa school tulad ng mga ikinukwento sa'tin ng mga magulang natin. Isa sa mga naging pagdidisiplina sa'kin sa loob ng paaralan ay ang pagpapalabas sa'kin sa classroom sa tuwing maingay ako kasama ng mga usual suspects. Pinaglinis na rin ako ng classroom nang isang linggo – mag-isa! Bukod pa ito sa pagpapahiya sa'kin sa buong klase kapag hindi ako gumagawa ng assignment. Kaya siguro hindi ako nakaka-porma sa mga nagiging crush ko. Naalala ko, minura ako nang adviser ko nu'ng Grade 4 ako nu'ng pinagtripan ko ang kaklase kong uhugin. Nakita ko na ring lumipad ang lahat ng mga kagamitan ko palabas ng classroom matapos akong sigawan ng teacher ko sa Filipino na "MAKAKAUWI KA NA!" nu'ng Grade 5 ako. Pinatayo na rin ako sa upuan, sa pintuan ng classroom namin, sa may main entrance ng school namin, at maging sa talahiban.

Lumipas ang napakaraming taon. Pero patuloy pa rin akong – tayong – dinidisiplina at pinapalo. Iba-ibang mga tao, iba-ibang mga oras, iba-ibang mga sitwasyon, iba-ibang mga pagkakataon. Alam nating lahat ang mga layunin nila kumbakit nila tayo pinapalo sa pwet. Gusto nila tayong tumino. May mga bagay silang gusting ituro sa'tin, at kung matigas ang ulo natin at ayaw makinig, dinidisiplina nila tayo upang hindi na nating ulitin ang mga pagkakamali. Kinakailangan nilang gawin 'to upang kolektahin natin ang mga sarili, mag-isip, at isapuso ang mga aral na itinuturo nila sa'tin. Ganito sila magpa-alala sa mga bagay-bagay sa mundo.

Ang orihinal na bersyon ay mababasa rito.


Technorati Tags:
, , ,


4 comments:

Anonymous said...

jake, you definitely have a problem with authority, otherwise you wouldn't have been subjected to all those sanctions and punishments growing up. or have you?

Anonymous said...

No, not really. I just wrote this one just for the fun of recalling those things that shaped me up. I mean, they actually have been good things to me because back then, I really was a problem child.

It's good to recall at times. And my childhood is not really piled up with bittersweet memories. I have a big share of funny things. I'll post one here of these days.

Originally, I intended to point out that real-life experiences spank us painfully at times for us to learn new things. Then I shared my story to NM just for the fun of, like, "in my childhood years, I was hit by a belt... etc..."

Thanks for the comment. :)

Anonymous said...

hey jake!!! pareho tayo!!! uso yata talaga noon ang super tough yayas. i had a yaya who would tie me and my brother in the kitchen when we misbehaved. nice artik :)

Anonymous said...

gah. although i find this post amusing (you have a way of making everything funny) i have a problem with this: corporal punishment.

in my humble opinion, other people (your parents, your teachers, the pigs) have no right to impose their sanctions on you, or punishing you for not behaving "the proper way" when we all should know by now there is no such thing as "the proper way". so if you ever have kids someday, i hope you wont punish them the same way. because kids who are physically punished grow up either afraid or angry.



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!