Mad World - Tears For Fears 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
"All around me are familiar faces, worn out places, worn out faces."
Ang Mad World ay single na naging smash hit noong lumabas ito noong November 1982, at nasama sa top 3 ng UK charts. Naging kilala sina Curt Smith at Roland Orzibal noong lumabas ang kanilang unang album, ang The Hurting. Ang album na ito ay naging number one sa UK at nasama sa top charts in 40 other countries. Memorable ang video na ito sa iyo dahil ilang beses mo ginaya ang pagsayaw ni Roland Orzibal. Nauso din yung magpatubo ng buntot sa buhok, kagaya ng kay Curt Smith. Maraming nagsuot ng trench coat sa school, kahit na napaka init! Pero alam mong Tears For Fears fan siya pag siya ay naka trench coat, turtle neck, o knitted polo shirt with the matching hairstyle. Isa ito sa pinakamatinding banda noong '80s, at talaga namang naging classics ang kanilang mga kanta.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
1 comment:
they were my most favorite british group. still are. tears for fears forever!
Post a Comment