Duran Duran - Wild Boys 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
Duran Duran - Wild Boys
"The wild boys are calling on their way back from the fire. In august moon's surrender to a dust cloud on the rise"
Ang video ng "The Wild Boys" ay directed by Russell Mulcahy. Ang halaga ng video ay umabot ng one million dollars. May kalakihan ang halaga noong 80's at karamihan ng mga video noon ay hindi umaabot ng ganong kataas na budget. Matindi ang mga elaborate sets na may kasamang lifelike robotic face, mga matitinding costumes, prosthetic makeup, at hinalo rin ang pinaka sopistikadong computer graphic effects ng panahon. Ginawa ni Mulcahy itong video bilang isang teaser sa pelikulang gusto niyang ipresenta sa studio, ngunit hindi natuloy and paggawa ng full-length feature.
Mapapansin mo na ang mga suot ng banda ay naimpluwensya sa clothing style ng pelikulang Mad Max 2: The Road Warrior. Nagkaroon ng chismis na naaksidente and lead singer na si Simon Le Bon habang nagsho-shooting ng isang eksena sa video, kung saan siya nakatali sa dulo ng isang windmill at binababad ang kanyang ulo sa ilalim ng tubig. Sinabi ng tabloid na tumigil raw ang windmill at muntik na raw malunod si Le Bon. Pinagusapan ng husto at balitangbalita ang near-death experience ng singer, pero sabi ni Le Bon sa isang interview ay hindi raw ito totoo, at gawa-gawa lang ng mga tabloid.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
1 comment:
Those duranies were making money all over the place including pushing whisky in Japan!
http://japansugoi.com/wordpress/duran-duran-commercial-for-suntory-whiskey-q/
Post a Comment