Nostalgia List #01
A trip back in time. Tara na at sumakay tayo ng Time Machine! Here is our first Nostalgia List! Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list.
1. Cherry Foodarama sa Shaw Boulevard: May mga Koi Fish sa labas, at yung mama sa hardware section kamukha ni Mr. Spock sa Star Trek.
2. Choo Choo Junction malapit sa Shakey’s Greenhills.
3. Hindi pa cementado yung fountain ng Greenhills Theater.
4. Before McDonalds meron nang Big 20 Hamburger.
5. Malaking chismis na ang Jollibee burgers ay gawa daw sa uod.
6. UFO Burger ng Shakey’s, served on a plate na may red na plastic dome cover na mukhang UFO.
7. Feeding the fish sa likod ng Virramall.
8. Pumupunta ka sa Fun House sa loob ng Greenhills Arcade para tumingin ng Blood Capsules, o Snapping Chewing Gum, at aliw ka sa Frankenstein na nasa harap.
9. Iron-On Station sa Unimart: Pipili ka ng T-shirt at pipili ka ng Iron-On na pinepress nila on the spot.
10. Unang tikim mo ng Orange Julius at waffledog sa Unimart.
11. Coney Island ice cream sa likod ng Unimart una kang nakatikim ng waffle cone, at Eskimo Roll.
12. Gift Gate: Lego, Hello Kitty at Sanrio, Matchbox Cars at Stationery.
13. Unang bukas ng McDonalds sa Greenhills: aliw ka sa drive-thru at sa playground.
14. Maggie Noodles Promo: Futuristic car racing stickerboard. Yung mga sticker ng mga cars nasa loob ng pack ng noodles. Tapos dinidikit mo sa sticker board na raceway na makikita mo sa gitnang fold out page ng Panorama Magazine.
15. Milo Promo: Wild West plastic toys. Nakukuha mo yung plastic toys sa loob ng Milo cans. Mga cowboys at indians. Pati mga olympic stand up toys often called Tautauhan.
16. Flying Tee: Simple plastic propeller + stick assembly na pinapalipad mo by sliding your palms. Nakukuha mo sa cheese snacks na usually nabibili sa mga vendor sa labas ng eskwela.
17. UFO Space Helmet: Nabibili mo sa Greenhills o sa Divisoria. Comes with a set of stickers na circle with numbers printed on them na dinidikit mo sa harap, sa taas ng visor. May dalawang antenna on each side. Isang beses nagka malaking parade ang Coca Cola sa Greenhills at yung mga naka space costume at rollerskates suot-suot nila itong helmet na to.
18. Plastic Sword Toy: Nabibili sa mga palengke. Yung gold and handle tapos may red na plastic gem sa end ng gold handle, meron pa kasamang black na plastic case na kasing haba ng sword.
19. Star Rangers: Pinaka unang ranger series na imported from Japan. Laging pinag-aawayan kung sino ang magiging Star 1 (Red Ranger) pag-naglalaro.
20. Maraming may Voltes V na laruan. Yung kapitbahay mo na may-ari ng hardware na mayaman merong Daimos na binili sa Hong Kong. Pero yung tisoy na sikat sa school may Gendizer! Kumpleto pati yung UFO! Nilalabas lang niya bawat recess time o uwian para hindi ma-confiscate ng teacher.
21. Pag lumalangoy ka sa swimming pool, iniisip mo na bubukas ang ilalim at lalabas si Mazinger Z!
22. Kung babae ka, lagi kang naiiyak sa Candy Candy. Kung lalake ka, ayaw mong ipaalam sa mga classmate mo na pinapanuod mo yun.
23. Nuong unang bisita mo sa Camp John Hay sa Baguio, aliw ka sa vending machines na may Fanta (in cans!), mini-golf, at PX Goods na grocery. Feeling mo nasa states ka dahil rin malamig!
24. Ang unang Coke in cans hinihila mo yung tab para humiwalay sa can, pero minsan nakaka-sugat kayat dahan dahan mong iniinom.
25. Si Lolo at si Lola laging may reserbang lata ng Sky Flakes o Sunflower crackers.
26. Nuong field trip mo sa Goya Fun Factory ang una mong hinanap ay yung chocolate stream kasi nakita mo sa commercial.
27. Popular T-shirt designs na embossed at puffy: Star Rangers, Watari The Wonder Boy, Voltes V, Daimos, Superman, at Batman.
28. RC Racetrack sa may parking lot ng Unimart: kung saan nag-kakarera ang mga gas powered na RC, usually Formula 1 cars, at amoy gas pag nanunuod ka sa tabi. Ginawang Mini-Golf (Par 44) na may dinosaur nuong late 80s.
29. Pinag-susuot ka ng corduroy na pantalon.
30. Minsan nalilito ka sa schedule ng GMA 7. Excited ka manuod ng Voltes V pero ang palabas ay Kapwa Ko Mahal Ko na ang host si Orly Mercado. Ang sponsor ng Voltes V ay Purefoods at Square Fruit Chews candy na gawa ng Sugus. Yun ang mga logo sa Voltes V coloring books.
31. Natatawa ka sa matabang intsik na bata na nakasuot ng chef uniform sa commercial ng Marca Pina. “Pina asim!”
32. Curious ka sa lasa ng Lipovitan.
33. Paminsan-minsan may baon kang Yakult sa lunchbox mo.
34. Aliw ka sa rainbow colors ng Fruit Stripe chewing gum, yung may cartoon na zeebra sa package, pero mahal. Kaya bumibili ka sa sari-sari store ng Big Boy bubble gum. (Red/orange at yellow ang papel na wrapper).
35. Kinukulekta mo ang tansan ng softdrinks para sa Superhero board game na larong dama.
36. Aluminum tube pa ang mga toothpaste noon, at napaka-futuristic ang dating ng unang labas ng Pepsodent dahil plastic ang tube.
37. Mas mukhang masarap ang itsura ng Hubbard Chicken commercial kaysa sa Magnolia Chicken.
38. Meron pa noon Beef Curlz ang Jack & Jill snacks. Ang Chippy nabibili din sa canisters. Hindi lang Chocolate Pretzels ang meron kundi yung plain sugar na pretzel sticks.
39. Piso lang ang isang maliit na bowl ng Taho. Pag malaking bowl, binabayad mo 5 pesos, yung green na 5 pesos. Maraming taho yun at kasya sa buong pamilya pang meryenda.
40. Ang Sunkist Juice ay nabibili sa triangle na tetra-pack. May papel na selyo na peel-off bago mo saksakan ng straw.
42. Merong Daisy brand na milk. May plain, chocolate, tapos yung pink ay strawberry flavor.
43. Pagandahan ng pencil box sa school. Ibat ibang mga design, pero ang pinaka maganda ay yung super pencil box na dual layer na folding, na maraming compartments. May pop-out na pencil sharpener, sliding ruler, at special compartment para sa eraser.
44. Uso sa school ang Bensia Space Pencil. Transparent ang casing na iba ibang kulay at parang bala yung mga pencil tips na pinapasok sa end ng pencil. Sabi sa iyo ng mga classmate mo na yung pwit ng pencil ay pwedeng eraser, pero hindi naman totoo dahil plastic lang yun!
45. Mga ballpen na gamit natin sa school: Kilometrico ("I write thousands and thousands of words."), Haba Haba Ballpen (“...writes long!”), Escribo, at Scribbler Footlong ballpen na sumikat matapos ginamit sa Bagets. Pag-nakatanggap ka ng sulat sa crush mo at mabango, ibig sabihin Funny Friends ang ginamit niya.
46. Paramihan ng stickers, pencils, at erasers.
47. Paramihan ng Tex Cards! Sikat ang Zuma na Tex at comics.
48. Questor Magazine Book: Featuring Voltes V, Daimos, Mekanda Robot, Grendizer, Getta Robot, at Mazinger Z. Smooth hi-grade paper at napaka-gandang illustrations.
49. Lagi mong pinapatugtog sa record player mo: Super Robots na LP, Nail Clippers, o VST & Company.
50. Kahit saan ka pumunta pinapatugtog ang BeeGees.
51. Russel Yoyo craze na pakulo ng Coca Cola! Coke (red/white), Royal (all orange), Sprite (green/white), Mellow Yellow (yellow/white), Super Spinner (Coca Cola face/transparent sides). Pinag-ipunan mo para bumili ng super spinner, pero nalaman mo na madaling maputol ang string pag-ginagawa mo ang “walking the dog” trick. Pupunta ka sa sari-sari store para bumili ng bagong yoyo string, at hinihintay mo mapanuod ang yoyo contest sa Student Canteen.
52. Pag-gumising ka ng maaga at nakatutok ang mga katulong sa AM Radio (DZRH Radio Balita) at umuulan ng malakas, ibig sabihin bumabagyo at walang pasok.
53. Similar ang amoy ng bagong notebook at mongol pencil sa amoy ng ulan. Pero ang totoo, naiisip mo lang yun dahil tag-ulan pag umpisa ng pasukan.
Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia
69 comments:
Galing! Ayos ako sa iyo boss!
This really takes you back. It reminds you of how old you are too.
Please don't forget Magnolia Chocolait! They used to sell it in glass milk bottles and the cover they used was paper milk caps that you had to pull off.
Actually we do have a Magnolia Chocolait bottle featured in one of the first Nostalgia Treasure features. Check it out!
Uso din ang XANADU accessories nun.. umiiyak pa sister ko para ibili ng Xanadu shorts na may ribbon sa sides, Xanadu na hairpins.
Sikat na shows sa tv na pinapanood ko Six Million Dollar Man, Hawaii Five-o, Space 1999, Wonder Woman..
at my favorite... Grabe ang rivalry ng Crispa-Toyota of PBA.
Wag mo din kalimutan yung FADED GLORY at BANG-BANG na shorts at pantalon, yung may tirintas sa may bulsa.
:)
To Abner M. Horendo M.D.,
We did a feature on '70S FADED GLORY HIP-HUGGERS sa Pormang Nostalgia feature.
Maraming salamat!
Don't forget about Arby's! Sa tapat ng Bowling Lanes ng Greenhills, Sarap kumain ng roastbeef sandwhich nila duon!
And also I remember Magnolia House sa Aurora Blvd. sa may new manila area. Pagkatapos namin mag shopping sa Unimart, Kain kami duon :) Those were the days...sigh...
And the best talaga ang DANCE 10 nuon sa SKATETOWN! I always watch Gerry (or Jerry) Dignam yung the best strutter that time!
i could remember back then yung mga 'perma press' shops kung saan iniipit yung mga maong pants sa isang parang steam machine to sustain that nakakahiwang flitch look sa mga panys....
Wow, Orange Julius. Kapangalan ko pala, hehehe
Salamat sa website na ito, dagdag sa pagpupuyat dala ng trabaho at mga maliit na anak! Please add to Nostalgia list:
1. uso noon ang "OTTO" shoes, kulay medyo yellow brown at malambot na balat;
2. mahilig ka sa "Chivalry" pusit;
3. pumapasyal tayo noon sa Fiesta Carnival sa Cubao, na may maliit na roller coaster sa loob!!
I remember yung japorms that time,John Newcombe Polo Shirt,yung may logo na face na may mustache and one eye,adidas superstar na Made in France at Levi's 646 na Bell Bottoms at pito ang sinturera,the Golden years!
STARS on 45 !!!!!
Inggit ako sa classmate ko na may SPERRY TOP SIDER , HARUTA penny loafer at BLA-BLA ang sapatos. ALVIN knapsack ang bag niya. Yung shirt niya SHAMBOO (New Wave) na T-shirt at HANES na walang tahi sa gilid. Yung LP niya puro imported kasi tunog lata daw yung gawa dito. Yung shorts niya kapag PE ay ADIDAS at sapatos na ABDUL JABAR high cut ADIDAS din
Am someone born just at the dawn of the 70s and at first i was ashamed to contribute here because my memories were at least a decade older. Anyways, before memory slips into oblivion, here are some nostalgia from my part of the woods:
1. In 1973 when The Exorcist was shown in Bacolod City where I grew up, there were ambulances parked outside the cinemas ready to ferry shocked audiences to the hospital.
2. The first trading cards I collected were of the 1974 Miss Universe delegates which could be had from pabunots in sari-sari stores.
3. Images of President Nixon holding up the V sign and a quick salute before boarding the helicopter on his last day as US President. (I didn't know he resigned!)
4. Of the global political figures, I remembered as a child always reading and seeing pictures of Henry Kissinger, Golda Meir, and the Shah of Iran on the newspapers.
5. I was a Marcos baby and like everyone else was weaned on the New Society, Green Revolution, and Family Planning. Marcos to us then was a Godsend and we did not know who Ninoy Aquino was (especially us from the provinces).
6. The New Society propaganda had a jingle that blasted from almost everywhere - May bagong silang, may bago nang buhay. Bagong diwa, bagong bansa, sa bagong lipunan. Nagbabago ang lahat tungo sa pag unlad. At ating itanghal Bagong Lipunan! - ANd we were even made to sing this song at school flag ceremonies after the Panatang Makabayan!
7. Nora Aunor went to the US to film Lollipops & Roses. I did not know who Don Johnson was at the time and he seemed to me like a poor excuse for an actor. Of course Ate Guy could do no wrong!
8. This movie even had a sequel - Lollipops & Roses at Burong Talangka which tells about Nora's smuggling into the US this foul smelling local delicacy. Must make her wish right now that she smuggled this instead years later in real life!
9. MARGIE WINS! Thus bannered the Daily Express after Margarita Moran became the country's 2nd Miss Universe in July of 1973. She was crowned all the way from Athens Greece.
10. In Hollywood, disaster movies were the norm and the local papers blasted the pages with imaginative ads for The Poseidon Adventure, Earthquake, and the Towering Inferno.
11. Movie themes were becoming regulars in the pop music arena starting from The Towering Inferno's "We May Never Love Like This Again", to A Star Is Born's "Evergreen" and the movie theme song of all time - The Way We Were.
12. I remembered coming out of the movie theater (State Cinema on Araneta Street in Bacolod City), doing the John Travolta jive-walkin' from Saturday Night Fever.
13. Pepsi was the king of on-pack premium bundling. I especially liked their soldier with a parachute which you throw high up in the air and squeal with delight as the parachute opens and the soldier glides back down towards you.
14. Bang-bang jeans, niknik shirts, yeye vonnel, jazzie shirts, and the ever popular Our Tribe!
15. The year 1977. The movie event of the century - Star Wars. And movie magic was never the same again!
16. The first time I was afraid to go into the water was due to another movie, Jaws, Steven Spielberg's debut, in 1975.
17. Local TV commercials were either hits or misses. Some of the hits: Gard Shampoo's Charlie Balakubak with Tito Valera saying the popular line "sana may Gard nung araw!"
18. Another hit was the Sunquick TV commercial with oranges cascading down an inclined plane. The jingle was very memorable - Sunquick over 20 glasses of Sunquick, that's a dose of real fruit juice, in every glass in every where... have a Sunquick today!"
19. And who can forget Rico J. Puno's Pepsi commercial with a bastardization of his song that went "Naglalakad pa sa Luneta, baby. Nang walang pera...."
20. Not to be outdone was Ate Guy's Coke commercial where she sang the globally famous "I'd like to buy the world a Coke and furnish it with love. Grow apple trees, honey bees and snow white turtle doves..."
Astig tung site, I emailed it to my friends. Do you guys remember yung "Get Used" na maong? yung madaming patches.
SM City kids, naalala niyo yung Paco Amusement? Tokens 2php pa lang. Now hitech na with Timezone, dati Operation Wolf, Outrun and After burner palang. Great site guys!
Jerome,
How can we forget Paco Amusement? Laging may naglalaro ng Operation Wolf, kaya medyo maghihintay ka pa. Masaya rin nga laruin yung Outrun!
It was really cool nung bagong bukas yung SM City. Those were the days no?
I remember beside Paco Amusement in SM City was Cafe Elysee, great food. Carpark palang nun wala pang Annex. Do you guys remember Computer Shop and Microshop na ngayon Concord Car Accesories? Meron pang Fox Video na nagbebenta ng mga bagong Atari games.
Guys please add Fiesta Carnival pics if you have. Do you remember yung may bump cars pa sa Old Shoppesville sa Greenhills, di' tokens pa. Also sa Rustan's Cubao na may RC na you control it with a steering wheel and may boats din. Mga circa 1984 to if I'm not mistaken. Choochoo junctions pics also if you guys have. Thanks, more powers NM!
Circa 1986-87 Sizzling Plate sa basement ng SM North Edsa, I remember my cousins and I could only afford the "Chuck Wagon" burger steak na 18 pesos lang at that time. Now almost 60 pesos na, hassle!
Ang daming bumalik na memories ng kabataan ko sa list na ito. Yung Funny Friends pens bigla kong naalala kasi na-addict ako dun! LOL!
(From: Ryan Combat Camote) Haay, i really miss those moments! Thanks for this groovy site! Long Live Nostalgia Manila!!
- Pumupunta kayo with family sa PHILCITE sa may roxas boulevard para mamasyal and syempre mag-bike.
- I remember “KOKOMO” sung by the beach boys played as a background music on one of the magnolia ice cream commercial wayback in the 80's.
- ”Shibum, Shibum.... yatatatatata shibum, shibum”APO Hiking Society made a San Miguel Beer Commercial with Rachel Lobangco in the mid 80's.
- MR. CLEAN DETERGENT Bar Commercial tag-line “Labadami, Labango” By Sylvia La Torre
- I remember Mark Gil as a model of Close-up Toothpaste in the late 70's. (I forgot his partner)
this site is really hanep! and pls dnt forget ung mga shoes or "toga"noon, na KAYPEE, WORLD BALANCE, MIGHTY KID, and KUNG FU SHOES and COLLIE, tska CARDAMS, and ung mga damit na CRISPA REDMANIZER NA "shrunk to fit" hehehe!, ung polo shirt na long back tpos naka zipper ung laylayan ng pantalon mo! tpos syete ung style ng gupit mo, and nung high school gupit binata! haha and the smell of TROPICAL HUT HAMBURGER sa greenhills! and ung pants na textwood "the apple jeans" na binibili ng ermat ko sa ORIENT PEARL sa recto..hilig ko pang bumili ng kalapati sa aranque market noon! tpos nag ggrocery kmi sa FERNANDOZ Supermarket sa STA MESA, "STOP & SHOP" andun pa ba yun? and who can forget FUNNY KOMIKS sina NIKNOK and the PLANET OF THE APES! si BARDAGOL, MACHUCHU and HARING KING!, nagssend pko ng mga drawings ko doon..hay..srap balikan ang panahon na yun. MORE POWER SA NOSTALGIA MANILA! THE BEST!
meron bang nakakaalala sa inyo na inuming TUTTYFRUITY? tska FRESS GUSTO? tska ung watergun na popeye and batman! tska ung paper plane na binubuo, if im not mistaken free un sa pepsi..
hehe, eto siguro ginagawa nyo to dati,,spirit of the ballpen! hahaha..
mabuhay ka NOSTALGIA MANILA! God Bless!
eh ung mga toga na (shoes) patok noon..CARDAMS, KAYPEE, WORLD BALANCE, MIGHTY KID, DRAGONFLY..
COLLIE! at ang hnding hindi ko makakalimutan na sumali ako sa eat bulaga pra sa "new york strut" na contest nila.. nsa RPN 9 pa sila nun sa celebrity sports plaza pa.. si herman escuetta pa ang nag papa audition noon. i won ng daily, natalo ako nung weekly..hehe, tnks nostalgia manila! and more power!
naalala ko nung bata pko, ung pabunot na binabasa sa tubig tpos lalabas ung numero? hehe tpos ung cheese curls sa kariton na pwedeng ipalit ung boteng basyo na tanduay o ginebra? and ung tv program na prinsipe abante ni bert "tawa" marcelo? sa channel 7! and i remember ung family size ng pepsi na one peso lang na nakatatak pa sa bottle P1. and kelangan may deposito pa ung bottle..hehehe.
Baldo,
Maraming salamat sa iyong pagbisita! I see you remember Fres Gusto pretty well, so here's the link to the Fres Gusto TV Commercial.
Do share Nostalgia Manila with all your friends and family and continue to spread Nostalgia Fever!
To NM,
Thnks for posting up my comments..i really appreciate it.. what u've been doin here is big time! galeng mo tsong! i saw the fres gusto TVC..man! si gary v. pla ung bata dun! "u'll love it very mucho"! hehe!
Thanks NM! and this time machine of yours is really
cool! keep it up!
Baldo,
Maraming maraming salamat! It's people like you who really make all this worth doing. :)
Do share Nostalgia Manila with everyone you know! Make this your regular tambayan, and tell everyone to come over and get their daily dose of nostalgia.
The fun never stops here at Nostalgia Manila! Tuloy ang ligaya!
OMG! I remember most of them, especially yung Daisy na Chocolate drink. Unang inom ko niyan e nung nasa probinsya namin sa Pampanga. Tsaka yung Mighty Kid na sapatos, binili ng tito ko para sa akin. And I also remember, long back ang hairstyle ko nun. I still have that picture of me when I was around six years old.
Citizen J.D.C,
Send your photo to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com and I'll feature it on Photo Nostalgia!
;)
ogie gazmen
its really nice to know that there are still people who still takes time to remember and cherish the era that they belong to...just like me...i still remember yung DAU na tinatawag sa may Crossing na Edsa Central na ngayon..Dun kame bumibili ng mga imported na clothes, shoes, etc..basta anything na imported, meron dun..tapos pag nag malling kame sa Ali Mall...kain ng 3M Pizza..sikat din yung Shakeys dun..sa shoes uso nung era namin yung espadrilles,dragonfly,tretorn,sperry topsiders pamporma..sa shirt naman collezione,le tigre tsaka yung fruit of the loom...pag punk hilig mo, ang shoes mo ay yung "creepers" na tinatawag..yun yung sabe nila gawa sa gulong ng eroplano..mataas yun para kang si frankenstein..sa bicycle naman nauso yung "butterfly" na bike..yung manibela para kang naka harley davidson...hehehe..marame pang iba na di ko na maalala sa tagal...hehehe ulit...sa toys naman mga matchboxes(miniature cars na die cast metal),yung nakukuha sa snack na Chickadees na plastic insects n pwede mong patalunin pag diniinan mo sa may bandang likod,yung rubber robots na pag binabad mo sa tubig eh lumalaki,yung yoyo na galing Baguio na gawa sa kahoy,lego,game n watch(nagkaroon ako nung popeye,mickey mouse,donkey kong...di ko na maalala yung iba..atari nga pala..tapos family com(mario bros. atbp.)...and i had a Daimos robot (yung bakal) nung mga panahon na yon...haaayyy...naku...andame ko pang pwedeng sabihin...do ko na lang maalala...pag naalala ko, post ko agad...thanks Nostalgia Manila!!!!You really are on hell of a rewind!!!
ogie gazmen
anyone here remember yung "robowatch"?wristwatch yun na detachable yung pinakamukha tapos nagiging robot?nauso yun nung elementary ako...naalala ko lang kasi nagkaroon din ako noon eh...
Okay itong site. Mabuhay!
Eto pa compiled sa iba pang mga "kasabayan" na tropa dito sa amin...
1. SunQuick - naabutan ko nagkaroon din lemon flavor ito.
2. Unang labas ng Granny Goose - May kulay blue pa ito, tapos ang surviving ngayon eh yung red na Tortillos. Tapos dahil istrikto si Mama nuon, naisip ko puntahan yung factory nila balang araw.
3. Nutroplex - the orig lasa na katulad ngayon ng pinaghalong empe at ice tea..
4. Reprinted comics ng Marvel and DC. Yung may listahan ng classic pieces sa likod advertising "PaPI" yata. Presyo nito dati P1.70
5. Yung dating Rizal cinema sa Makati. Dun kami nakapanuod ng "heaven can wait". Puwesto na yata nito ngayon ay ang Shangrila.
6. Alemars bookstore - pag hindi available ang textbook sa National. Pero la din kami choice nung elementary kasi sila din yung publisher ng textbooks namin..
7. 3M Pizza (ang daming sibuyas) then lumabas ang Greenwich. Affordable nung hayskul kesa sa Shakeys...
8. Imitation jacket ni Michael Jackson either sa Beat It or sa Thriller. Sa Isettan Recto pa kami nakahanap nito ni Mama.
9. Promo ng purefoods nung kasikatan ng Voltes Five ay yung mga bookmarks na andun yung Voltes Team. Pag nakumpleto mo, puede kang bumili nung plastic na Voltes Five.
10. Bago nagkaron nung Flying T, meron nun yung parang flying saucers na may mga nakausli na flaps para puede mo hipan para umikot. Comes in red, blue, green, yellow. Free din sa isang Cheese snacks (yan nakalimutan ko na).
11. Grosby rubber shoes - di namin afford dati ang Adidas.
12. Bic Ballpen - una kong subok ng ballpen bago pa lumabas ang kilometrico. Kulay dilaw na blue ang cap. Meron pa yung unang labas ng translucent na casing...blue din ang cap.
13. Akai cassette player - definitely pag galing sa Middle East ang isang kamaganak. Eto unang kong exposure sa pag-pindot ng play and eject. Dala ng pinsan ko galing Qatar.
14. Atari - tuwing Sabado, laro kami ng kaklase ko nito sa kabilang barangay (actually sa BLISS housing). Bala pa niya nuon, pacman at space invaders.
15. Palmolive shampoo - take note, hindi pa ito liquid, kundi yung POWDER form pa...
pag may maidagdag pa ako... =)
ang saya...
Speaking of shampoo, nakagamit ba kayo ng US SHAMPOO, GEE YOUR HAIR SMELLS TERRIFIC, PRELL SHAMPOO, AND HALO SHAMPOO?
Naaalala ko rin 'yung MAGNOLIA CHOCO VIM na mga maykaya lang ang nakakapagbaon. Mahirap lang kami noon kaya tubig lang na nasa tumbler. Pati 'yung SUNTA ORANGE din na kapatid ng Sarsi (Cosmos).
Sa jeans naman, parang walang nakaalala ng TEXWOOD (the apple jeans) hehehe! 'yung HAPPY FEET at OTAFOKU na slippers tapos ang suot mong t-shirt 'yung stripes na either pink and white or blue and white.
Feeling ko tuloy, bata na naman ako.
Si Tita Maggie sa commercial, misis na ngayon ni Quinito Henson, the PBA sportscaster.
ok po itong site na ito.... may hinahanap lang ako dating tv commercial di ko lang alam kung anong brand ng ballpen yun. yung may conversion table and kinakanta...san kaya ako makakahanap nun? usefull sana ito....
thanks....
piddyperez
hahaha. e yung mga payong na parang kabute lang yung lawak nito na halos hindi na mapayungan yung kaisa-isang gumagamt? hihihi... payong na hello-kitty printed, oha bongga diba?
Hi, I'm looking for a Filipino Halo Shampoo Commercial with the mestiza girl coming out of a sports car...it may have been shot at the Yacht Club...it was Meg Paris i think... Thanks!
bago ang sm meron munang syvels. pag kinuha ang size ng sapatos na gusto mo, ibinabato lang galing sa taas ng kisame. ang mabiling sapatos ng mga mag aaral sa grade school ay greg shoes. ang bag ng mga high schoolers ay mother's bag na nabibili sa santa mesa market. tapos nauso din sa high school yung catleya notebook na nakatupi sa gitna at nakasingit lang sa illustration board na ginawa na may mga dekorasyon ng mga hilig mong banda, pba/nba team etc.
yung pendant na may "peace sign" logo na nakukuha mo sa loob ng lata ng Yco floorwax.
Great website!!! It really takes me back...lalo na yung post ni "Baldo" like Cardams shoes...sa girls school namin, halos lahat dati naka-OTTO shoes, super lambot siya. Then yung ngang mga RC, Koi fishes sa Greenhills. What about going roller skating sa Luneta or sa Harrison Plaza?, yung mga Collezione (forgot how they spelled it) collared shirts ng ShoeMart, remember Shoe World? Kung-Fu shoes, Bla-Bla shoes for guys, Espadrilles, Crayon shoes, Reno pants, Can Can pants/shorts (name tag), also those oversized Tshirts, Swatch, attache case ang school bag mo, the pastel colored knapsacks, Top 40 t-shirts (we used to buy it sa National Bookstore sa Quezon Ave. beside GiftGate), 99.5RT radio station tapos yung mascot nila....grabe...so much more!!! Keep this going...thanks for putting a smile on my face!!!
Also the shows Manok Ni San Pedro, Tsampoy, Student Canteen, Lunchdate, John N Marsha, Duplex, Flor De Luna, Annalisa, Todas...how about Subas Herrero & Noel Trinidad's chicaron commercial.."Por que, Por que kagatong, itong..Porquito Chicaron (something like that hahaha), Sylvia Latorre's chicken commercial "Pinipisil-pisil, Inaamoy-amoy" hahahah. This is so much FUN!!!
mga kabayan! etu pa yung iba!
1. Nobody mentioned yung HANG TEN na slippers na maraming lumabas na peke sa mga palengke.
2. Yung pantalon meron zipper (yung iba, pardible lng katalo na!) sa laylayan para super tight pag sinuot mo na.
3. Yung mga break dancers naman, naka-bolga pants and meron laging dalang lenoleum para sa "show down".
4. Naaalala ko din pag meron sirang electronic toy cars, kinukuha yung dynamo o motor tapos ginagawang mini electric fan =).
5. Taon-taon laging me project sa school na gagawa ng parol bago mag-christmas na dapat nai-submit na bago mag-christmas break.
6. Cherry balls na gum na nabibili ng tatlo singko sa tindahan sa kanto na nakalagay sa garapon. Sama mo na rin ang TEXAS saka TARZAN na bubble gum.
7. Uso nuon yung mga sumpit na munggo ang bala...yun ang unang labas ng AIRSOFT sa pilipinas! hahahahaha!
8. BMX bikes para feel mo bagets na bagets and dating mo.
9. Hanging shirt kahit sa lalake.
10. Shempre, yung MENUDO group ni roby rosa and ricky martin na kinababaliwan ng mga ate natin. meron pa silang poster sa kwarto nila!
11. Astig yung Back to the Future trilogy ni Michael J. Fox.
12. Shempre mga commercials ni Joey sa Royal, Isang platitong mani ni flash elorde sa san miguel, "abangan mo sa right corner pocket, sumakay ka pa!" ng gold eagle beer, "angat sa iba" ng sarsi, "walang tibay na maasahan" ng spartan, arthhur's pants and barong ad sa eat bulaga, RCA home vision ni frankie evangelista, "i can feel it" ni alice dixon sa palmolive, (pakidagdagan n lng kung meron kayo =))
13. Germs Special muna bago naging GMA Supsershow na kasama ang bellestar dancers.
14. Lovingly yours, helen twing linggo at nakapuwesto na sa tv after lunch.
Haay nako, ang dami pang pedeng idagdag dito.... babalikan ko kyo pag meron pa ko naisip especially during the 80's a little bit of the 70's na rin. MABUHAY KA NOSTALGIA MANILA!!!
b/w tv: gumby, bonanza, hawaii five-o, 6 million $ man, the magician, incredible hulk, sigmund & the sea monsters, lost in space, rockford files, baretta, police woman, 3's company, mork & mindy, greatest american hero, tony ferrer aka x-44 flicks, oscar obligacion & sylvia la torre, etc.
AM radio: simatar, rey langit sa RH pa, sino ba yung sa Johnny tango ('wag kang tatanga-tanga, dakila naman), toning ni johnny midnight, hayyz sarap mag-reminiscing....
Hi Nostalgia Manila. You gotta great site! I have a question for you. I wonder what is that card game they played on Channel 7, the one that has German Moreno in it as host and it plays like a Super Trump game and these are big cards with pictures of robots on each of them.
And I think its just a small segment in Moreno's show. The contestants were all kids. I was a kid back then when I watched this but I just don't get it how it played.
As if Chn. 7 wants to create a robot craze franchise of their own during that time but it never caught on. Any idea what it is?
Kapag nakaka amoy ka ng Pambura(rubber eraser), naalala mo ang Kindergarten
babasahin ko pa ang lahat di pa ako tapos 40 yrs na na ako hula ko walang 40 pababa sa commentators no?!
wow pare !!! nostalgia TALAGA!
Commercial ng Jollibee..nawawala si jennifer at yung mahirap umakyat ng ligaw. nalala ko rin yung tsismis na may ahas sa robinson's mandaluyong...lol
Candy Candy - Linggo, 6:30pm pagkatapos ng Masked Rider Black sa IBC 13. XD
I will always remember Scribbler ballpen which I used in the 80s as a high school and college student. Know what? I still have one Scribbler inside my drawer--everytime I look at it it brings back those memories. See a picture of it here:
http://img709.imageshack.us/img709/1139/scribbler.jpg
Hi! I'm looking for an old print ad for 'Gee your hair Smells Terrific' shampoo featuring a Filipina/mestiza. She was bending down pointing at something. She was wearing a white dress. It would come out in women's magazines around 1981 or 1982. Would really like to find it because the girl in that ad is now my wife and she no longer has a copy. =) Thanks!
Ako din super fan ni Voltes V. May mga naitago akong mga memorabilia nila Voltes V at Mazinger. Visit my site at
http://pinoykollektor.blogspot.com/2010/11/12-let-volt-in-voltes-v-vs-pres-marcos.html
I remembered my childhood upon reading this.
I want to add some:
1. Avenue Soda, Lem-O-Lime, Sunny Orange, Ritchie's, TAB (wala pang Diet Coke noon), Lagerlite
2. Chips, Knight Rider, BJ and His Bestfriend Bear, Starsky and Hutch, 3's a Company, The Electric Company, Sesame Street, The Muppet Show, V, The A-Team, NAM, Charlie's Angels, The Incredible Hulk, Six Million Dollar Man
3. Circus shows and Holiday on Ice in Araneta Coliseum
4. Millionaire and Monopoly Board Games, MAD Magazines
5. Cindy's, Mango Brutus, King Deli, Smokey's, Winchell's Donuts, A&W, Mga bandang tumutugtog pa noon sa Shakey's, Ma Mon Luk, Ha Yuan, Flame, Marco Polo
6. Radiowealth at Glasurit (yung may parrot) Neon Ads sa Edsa Guadalupe
7. Mga television na de-cabinet
8. 680 Home Appliances, Plaza Fair, Fairmart
9. Remar, Coronet, New Frontier, Quezon 1&2, Diamond, Sampaguita–mga theaters sa Cubao
10. Sitsiritsit, Alibangbang, Salaginto, Salagubang, Yellow Bird, Hots, Pia's Place–mga sikat na beerhouse noon
11. He-man, Visionaries, MASK, Thundercats, Inhumanoids, Blackstar, Tonka, ABC Bicycle (sa may tabi ng Ortanez University), Arcega's Bicycles, Teks, Holen, Rubberband GUn, Yung Maliit na motor na de hila para tumakbo (ala Beyblade yung hilahan), mga maskarang karton ng superheores na nabibili sa mga tindahang malapit sa school, yung isinasabit na maliit na kalansay na white or black, key car, barrel of monkeys, Casio wristwaches na may game–mga laruan noon
12. Taguan, Patintero, Piko, Agawan base, Habulan, Luksong Baka, Siyato
13. Tira-tira, Eisbonn Cola and Whiskey Candies, Cheezels, Chickadees, Cheese Corn, Cloud 9, All-star, Bigbang, Nutri-Bun na may palamang Coco Jam, Wonderboy chips, sundot-kulangot, laruan na may nakadikit na sampalok, mga laruang free sa loob ng Ovaltine at Milo
14. Mga free sa ilalim ng tansan ng softdrinks. Favorite ko noon yung marvel heroes sa Pepsi products. Tantsing ang labanan para makumpleto ang collection. Super Trump (favorite ko yung mga jet planes at racing cars). DC playing cards na free sa Cheezels, Voltes V cards (Continuous Food Products ng Valenzuela), Build-a-figure na free sa mga local na chichirya (kadalasan sa Valenzuela lang available dahil sa dami ng factory ng snacks doon).
More to come.
Thanks NostalgiaManila for posting this blog.
ang galing ng site ninyo, up for you guy/s. nasabi na kasi yung ibang mga naaalala ko nung 80's like: Magnolia Chocolait na nasa thick bottle, sunkist on triangle tetra packs, choo choo junction sa greenhills at yung mini train above ang magdadala ng food mo, carnival sa cubao, ito sana wala pa sa list ninyo: maggoos pizza sa likod ng greenlanes, at bread connection sa virra mall, kapag wala yung hanap mong imported shoes sa shoppesville pupunta ka ng cash n' carry sa makati, at yung malapit sa amin na bilihan din ng mga imported clothes sa Zurbaran near Central Market sa Sampaloc, sa SM cubao sa loob ng dept. store may video games na ang ihuhulog mo yung malaki na 1 peso, sa Luneta yung bilihan ng hotdogs na mga pipi ang nagtitinda, mga sinehan sa Recto, ang McDonalds at Jollibee may Catsup at Mustard pa sa condiments. haaay i'll stop now, medyo nag-mellow na naman ako LOL i miss the past years, kahit hindi pa hi-tech noon at least lagi mong kasama mga pamilya mo at kaibigan, ngayon puro nalang text, skype etc. wala ng personal na pagkikita, but it's a part of our life. thanks God! and thank you peeps behind this NM! more power.
Naalala ko noon sabi ng mommy ko Wag kang bumili ng Jollibee may halong uod!
Nagtrabaho ang nanay at tatay ko sa Goya factory ng labinlimang taon. Dinala niya ako minsan noong bata ako at binaha ako ng maraming chocolates; regalo ng mga katrabaho niya. Very disappointed lang ako dahil hinahanap ko ang Goya Fun Factory chocolate stream gaya nung nakita ko sa tv commercial pero iginigiit ng nanay ko na commercial lang daw iyon at hindi totoo. Umiyak ako pauwi kahit pa marami akong uwing chocolate kasi hindi ko nakita ang sapa na puro tsokolate. Hanggang ngayon, naniniwala ako na totoo ang chocolate stream na iyon at pinaniniwalaang itinatago lamang ng management ng Goya ang chocolate stream sa publiko.
Im happy halos lahat ng mga nabanggit ay naranasan ko kc 1970 ako pinanganak
at Bazooka Joe bubble gum, na may isang branch sa Cubao sa Gift Gate ata. Pag member ka ng Magic circle club, may singsing ka at pwede ka magpalit ng mga items.
Sa cubao pa din, kakaopen lang ng New Frontier Theater katabi ng Mc Donald's, na sikat na sikat dahil sa kanilang malutong na french fries. Then later on tumapat ang A&W na may 12" foot long hotdog at sikat na sikat na root beer float.
At syempre ang COD na may christmas presentation lagi sa labas ng kanilang store tuwing december.
Namimis ko ung mga adidas shorts nung 80's.....
thank u Nostalgia Manila..
i remember, along Rizal Ave. Sta.Cruz Manila, nag stroll kmi ng erpat ko, sa bangketa ng GoodEarth department store tinuturo ko ung mga tindang Matchbox na nsa kahon nka display at galing kami nun sa Universal cinema, watch ng Superman 2.. haaaaayyy..
thank u, Nostalgia Manila.
i remember way back then, along Rizal Avenue, Sta.Cruz Manila, nag stroll kmi ng erpat ko near GoodEarth Department Store, tinuturo ko sa kanya yung mga Matchbox toys na nka display sa mga tindahan ang gaganda. Galing kmi sa Universal Theater katapos lng nmin manuod ng Superman 2. haaaayyy...
Hi guy !!! what a lovely site indeed, it refreshes our memories of yesteryears...
can anyone post a picture of the then famous avenue cola and rc cola ??? i love those beverages when i was just a kid..
More power !!!
Gabi Nang Lagim Radio
hi guys! naalala ko lang yung tshirt na alvin. yung print ng lalaking nakasakay sa makina ng pantahi. alvin b talaga yun
How about National Bookstore's jingle "no one throws away memories"?surely will bring back memories hehe,before ecards,hallmark cards slogan ""When you care enough to send the very best."
who can forget yung laruan noon na pag pinisil mo yung stick sa gilid ay magbabale-balentong yung human figure sa gitna at siyempre sa tindahan bibili tayo ng:
tira-tira
pusit na matamis na maanghang
tapos tataya sa palabunutan sa labas ng tindahan:)
Anong pangalan ng PX store na dating sa pwesto ng SM Centerpoint sa Sta Mesa?
Sadiwan disco sa baguio. Skating rink sa araneta, stop & shop, farrah Fawcett shampoo, Charlie balakubak, Mayers and amco jeans. Greg shoes, our tribe sandals, where else,
Post a Comment