Pale Shelter - Tears For Fears 80's Music Video
Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!
"How can I be sure? When your intrusion is my illusion."
Ang Tears For Fears ay isa sa mga pinakasikat na banda noong '80s. Marami kang mga poster nila Curt Smith at Roland Orzibal sa kuwarto mo, at sinubukan mong kumpletuhin ang lahat ng kanilang mga kanta. Paburito mo ang kanilang mga magagandang music video dahil nga naman napaka sayang panuurin at napaka-unique ng mga storyline. Isa ang Pale Shelter sa mga paburito mong kanta, at music video. Hindi mo makalimutan ang malaking buwaya na lumalangoy sa swimming pool, ang malaking sunog na markang iniwan ng plancha, at noong tinamaan si Roland Orzibal ng paper airplane sa bandang huli ng video. Isa ang Tears For Fears sa pinaka-talented artists na hindi natin malilimutan, at patuloy nating pakikinggan.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
2 comments:
favorite ko din sila noon
I love Tears for Fears since the mid '80s until now. The best videos pa talaga. Tears literally rolled down my eyes when they emerged on the stage the last time they performed in Araneta Colloseum, Manila. TFF Forever! Thanks.
Post a Comment