January 10, 2007

Big Bagets Special: Paano ba maging Bagets?

By: Jojo Devera, of Sari-Saring Sineng Pinoy

Hindi maikakailang naging bahagi ng kulturang Pinoy ang pelikulang Bagets, handog ng Viva Films at pinangungunahan nina William Martinez (Tonton), J.C. Bonnin (Toffee), Herbert Bautista (Gilbert), Raymond Lauchengco(Arnel) at Aga Muhlach (Addie). Kuwento ng limang kabataang sabay-sabay sinuong ang lahat ng problemang pang kabataan. Nariyan ang makatapos ng high school ang pag-usbong ng unang pag-ibig, ang pagmulat sa karanasang seksuwal at kung anu-ano pa. Masarap ang magkaroon ng barkada... magkakasama sa pag-gimik, sa panliligaw sa mga nakukursunadahang babae, sama-samang nagbabakasyon, nagsasayang sa wari ba'y wala nang katapusan.


Napakasarap sariwain... sinasalamin ng Bagets ang lahat ng ating pinagdaanan, bago namulat ang ating murang kaisipan sa mga nangyayari sa kapaligiran. Taong 1983 nang itanghal ang pelikulang Bagets sa mga sinehan sa buong Metro Manila. Nagsimula ito ng bagong uring kabataan. Kakaiba ang kasuotan... iba't-ibang kulay ang mga damit pati sapatos. Bagong sayaw na kinagiliwan hindi lamang ng mga kabataan kundi pati na rin ng nakakatanda. Mga tugtugin at awiting nagbigay ng aliw at inspirasyon sa lahat ng sumakay sa along dala ng pelikulang Bagets.

Walang patid na kasiyahan ang idinulot sa atin ng pelikula. Kung tutusin, sa loob ng nakaraang dalawampu't tatlong taon mula nang una nating napanood ang Bagets, naroon pa rin ang kakaibang ligayang ibinigay nito. Bakit kaya sa tuwing babalikan natin ang nakaraan hindi maiiwasang banggitin ang Bagets? Dahil kaya sa nasaksihan nating lahat ang malakas na bulusok nito sa industriya ng Pelikulang Pilipino? O di kaya'y ang biglaang pag-akyat sa rurok ng kasikatan ng limang kabataang aktor na bida sa pelikulang ito? Utang natin ang lahat kina direktor Maryo J. de los Reyes at sa manunulat na si Jake Tordesillas. Sa kanilang isipan unang nabuo ang konsepto ng Bagets. Minsang nakausap ko si Direk Maryo ay tinanong ko siya kung paano niya gustong maalala ng mga tagasubaybay ng Pelikulang Pilipino isa lang ang kanyang isinagot sa akin... na siya ang nagdirek ng pelikulang Bagets.

Direksiyon: Maryo J. de los Reyes
Dulang Pampelikula: Jake Tordesillas
Sinematograpiya: Jose Batac, Jr.
Musika: Ricky del Rosario
Editing: Edgardo Vinarao
Disenyong Pamproduksiyon: Butch Garcia
Prodyuser: Viva Films

THIS SPECIAL INCLUDES:
Bagets Opening Credits, Just Got Lucky Lyrics, Why Don't You Care? (1984), The Ultimate Bagets Quiz, Paano ba maging Bagets?, Look At Me! (1984), Pormang Nostalgia-Sperry Top Siders

Technorati Tags:, ,



Technorati Tags:, ,

No comments:



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!