October 28, 2006

Famous Hauntings in Baguio City

Ang Dalaga at Kadete
May isang malaking puno dati sa Baguio City na nakikita mo pag papunta ka ng Camp John Hay o PMA. Hindi mo na makikita ang punong ito ngayon dahil matagal na itong pinatanggal ng mga local officials dahil sa dami ng mga nadidisgrasya dito. May babae na dating nagpapakita sa mga dumadaan sa tabi ng punong iyon, at sa takot ng mga nagmamaneho karamihan sa kanila ay namamatay sa aksidente.

Ang babaeng nagpapakita ay dati raw na taga Baguio noong 1960's. Ayon sa mga nakakaalam ng istorya siya raw ay date ng isang kadete sa kanyang hop (parang prom party ng PMA). Noong gabi ng hop, matagal na naghanap ng masasakyan ang babae pero wala siyang makita. Naisipan niya maglakad na lang dahil huling-huli na siya. Sa kanyang paglalakad may dumaan at humintong taxi. Ngunit imbes na kunin siya bilang pasahero, ginahasa ng driver ang dalaga at pinatay siya pagkatapos. Hindi malaman ng kadete kung ano ang nangyari sa kanyang date at hindi nakarating ang dalaga sa hop. Kinabukasan nabalitaan na may babaeng nakabitay sa isang malaking puno sa tabi ng daan.


Diplomat Hotel
Noong May 1911 ibinoto ng Council ng Dominican Order na magtayo ng isang rest house para sa mga terminally ill na patiente sa Baguio City. Ito raw ay itatayo sa isang lupain na 17 hectares na tinawag na Dominican Hill. Ang unang building ay ininagurate noong May 23, 1915. Dahil sa tax exemptions ng panahon, ang Collegio del Santissimo Rosario ay ibunukas sa publiko noong June 1915. Dahil kaunti lang ang nag-enroll sa paaralan, ito ay nagsara matapos ng dalawang taon noong 1917, at muling ginawang vacation house sanitarium.


Nagsimula ang WWII at dito nanirahan ang maraming refugees. Binomba ng Japanese Army Liberation Forces ang lugar, at maraming pare at madre ang pinatay at pinugutan ng ulo. Pagkatapos ng gera nagumpisa ang reconstruction ng Dominican Hill noong 1947 at natapos ito noong 1948. Ibinili ang property noong 1973 ng Diplomats Hotels. Inc at ni-remodel ang interior para maging isang 33 bedroom hotel.

Mula pa sa simula ng pagbukas ng hotel maraming guests ang bigla nalang umaalis dahil sa mga nagpapakitang multo sa kanilang mga kuwarto. Maraming nakakarinig sa mga nakakatakot na ingay na nanggagaling sa hallways ng hotel pag hatinggabi. Kahit sa umaga at madaling hapon ay mayroong mga bell boy na nakakita ng mga lumulutang na paring nakaitim at walang ulo o paa. Nagsara ang hotel noong early '80s dahil sa misteryosong pagkamatay ng isa sa mga mayari ng hotel. Hanggang ngayon, maraming mga nakatira sa tabi ng Dominican Hill ang nagsasabi na mayroon pa rin daw naririnig na mga sigaw at ingay na naggagaling sa loob nito.

Philippine Military Academy
Maraming nagmumulto PMA. Pag hatinggabi mayroong platoon na maririnig nagmamarcha sa parade grounds. Isang kilalang kadete ang nagpapakitang nakasuot ng full-parade uniform sa locker room. Isang pare naman na napugutan ng ulo noong panahon ng Hapon ang lumilibot sa main building, pati na rin ang isang white lady na madalas makita ng mga guardia.


Teacher's Camp
Maraming kuwento tungkol sa mga nagmumulto ng Teacher's Camp. Noong late ' 60s' at early 70s maraming nag-shooting ng mga pelikula rito. Hindi raw makatulog ang film crew dahil sa mga nakakatakot na ingay na madalas nilang marinig. Ayon sa mga nakatira doon ang lupain ng Teacher's Camp raw ay ang original battlefield ng mga natives noong unang panahon, at gabi-gabi silang nagpapakita sa mga bumibisita at nagbabakasyon dito.



Technorati Tags:, ,

11 comments:

Anonymous said...

Just seen your blog... and oh boy! you brought back beautiful memories when I was still studying in Manila. I can't help but laugh esp. Ma-mon-luk and Aristocrat... add the Magnolia house along Aurora Blvd.I remember the beer stalls along Makati ave. where you go get a bottle or 2 bef. going to a disco place bec. it's cheaper.

b3Rn1cE said...

scary nga yung diplomat hotel... though it looks a whole lot like UST Main Building from that angle :)

sure we can exchange links :)

Anonymous said...

My sister used to live with her husband and kids on #12 Dominican Hill Rd.(next to the Villars of Mareco Broadcasting) midway between the Grotto and Diplomat Hotel. I used walk up to the gate of the Diplomat Hotel at night with my friends during our Holy week sojourn to Baguio and see how much farther we could go in with out getting spooked! That was an annual tradition, we go deeper inside the property each time until one of us starts imaginig things and runs back out followed by screaming girls in our group.

Anonymous said...

i love your blog especially this post. makes me want to go up to baguio this weekend :) keep writing! :)

Kirk said...

i was at baguio last weekend for the luzon convention of chemical engineering students, tapos inabutan ng curfew mga delagates ng up diliman, and yun kung saan saan kami napunta hanggang sa dalhin kami ng mga students ng saint loius university sa diplomat para hindi namin makalimutan ang baguio, regalo nila sa amin yun...

wala naman akong nakita pero @!@% ang lakas ng pakiramdam namin sa second floor, parang may magnet sayo, puro bintana, puro pintuan every 3 steps mo. nakapikit isa kong mata kapag may darating na pintuan kasi ako yung nasa gilid.... sa third floor open space, wala normal lang, we had a chance to take a video kasi wala naman kaming naramdaman dun...

pero malapit lang pala dun yung lourdes grotto less than 50 meters so punta kami dun ng 1am! dun may nakita na mga kasama naming open ang third eye... sinalubong kami ng isang babae... di ko nakita pero naramdaman ko siya...

Anonymous said...

It was my first time to go to Baguio a few weeks back & I'm not really scared in ghosts but when we went to Teacher's Camp oh my I got an eerie feeling. We got scared to take pictures baka may makita kaming iba na kasama namin sa pix :)

Phillipe said...

danm im sow scared!!!!

Anonymous said...

Guys, 3 days ago nasa baguio kami and we visited the dominican hotel... mejo eerie ang pakiramdam sa loob pero I would suggest those who are curious na ivisit nyo na siya kasi dinedevelop na nila yung site at mejo nawawala na yung thrill at eerieness nung place!

Nick Ballesteros said...

Pwede bang pumasok ng diplomat hotel? Been wondering also kasi nga sikat sya as a haunted place. Although ang nakakatakot dun eh may possibility na sundan ka nung multo hanggang sa bahay nyo. Darn.

Laking-Baguio po and we once stayed in a haunted house in Bokawkan. These days, medyo kokonti na lang ang maririnig mong mysticism sa Baguio.

leann said...

galing din ako sa baguio last month we had our family vacation.nag rent kame ng house just for a couple of days to stay,tanaw lang namin yung building ng diplomat hotel.gusto talaga namin pumunta dun just to have a look inside.but we think na baka di na pwede makapasok ang mga visitors dun para pumasyal.

Anonymous said...

just went inside the hotel, maayos na yung labas nya, mukhang someone bought the property and they fixed evrything from the outside- the gate, the garden, pati yung loop road sementado na ulet. The only thing left untouched is the hotel itself, although i noticed the roofing has a new set of galvanized iron. Someone is also guarding the property. Ano ba gagawen dun??



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!