October 24, 2006

Bumisita tayo sa Philippine Comics Art Museum

Mahilig ka ba sa comics? Madalas tayo magbasa ng comics noon, at yung mga talagang nahiligan magbasa ng comics ay nagbabasa pa rin ng mga bagong comics ngayon. Pero nasaan na ang iyong mga lumang comics? Natatandaan mo pa ba ang mga istorya? Ang mga tauhan o characters? Ano ang paburito mong comics noon? Mahirap hanapin ang mga lumang comics ngayon, mas lalo na ang original comics ng mga Filipino comics legends tulad nila: Francisco V. Conching, Jesse F. Santos, Hal Santiago, Steve Gan, Rudy Florese, Alfredo P. Alcala, at marami pang iba. Kilala mo ba itong mga panggalan na ito? Siguro matatandaan mo ang mga istorya at mga popular na comics na kanilang iginuhit at isinulat kung makikita mo. Pero papanpo mo ito lahat matatandaan kung hindi mo alam kung saan ka magsisimulang maghanap? Buti na lang at mayroong Philippine Comics Art Museum online!

Ang Philippine Comics Art Museum ay gawa ni Gerry Alanguilan: isang tanyag na Philippine comic historian, collector, at comic artist. Maraming makikita at matututunan sa online museum na ito. Maaaliw ka sa dami ng mga magagandang image scans mula sa mga pahina ng mga classic Filipino comics.

(CLICK ON IMAGE FOR LARGER VIEW)

KALABOG EN BOSYO

"MGA GABI SA BILOG NA MESA"
Pilipino Komiks #187, July 31, 1954
ACE Publications


Marmi kang mababasang historical features tungkol sa mga legendary Filipino comic artists at ang mga comics na kanilang likha. Nakakatuwa at mayroong scan ng original(!) Paltik cover ni Francisco V. Coching noong 1954.

Masarap tumingin ng sari-saring mga comic scans at basahin ang mga profiles ng mga classic comic artists na nagsimula ng mundo ng comics sa Pilipinas. Magandang pag-aralan at isa-isahin ang mga profiles at dito natin matututunan ang pinagmulan ng isang art form na talagang matatawag na "sariling atin". Maa-apreciate mo ng husto ang mga classics na ito; maging comic artist ka man, o isang comic fan, ito ay isang site na dapat mong makita at pasalamatan. Heto at kilalanin nating ang mga Phillipine comic legends; bisitahin natin ang Philippine Comics Art Museum!

Get a copy of Gerry Alanguilan's NEW and original comic book: Elmer (Now available in The United Kingdom, California, and The Philippines)
Technorati Tags:,

No comments:



The Latest Features & Headlines
Don't ever miss a post and be on top of the latest features and headlines:
Get All That Nostalgia Manila Goodness! Get a Nostalgia Manila Email Subscription today and enjoy all the benefits of this wondeful service. Today, if subscribers want to read / view / watch syndicated online content, they typically have to go to where the content is hosted, or know how to subscribe to the feed and consume the content within an aggregator or reader (e.g. MyYahoo!, FeedDemon, ect.). With a Nostalgia Manila Email Subscription, you will receive all that Nostalgia Manila goodness straight to your inbox, similar to an e-newsletter. This is delivered to you in easy-to-read, plain text or HTML email containing the latest Nostalgia Manila posts. What are you waiting for? Sign Up for a Nostalgia Manila Email Subscription today!

Let everyone know you have Nostalgia Fever!
Nostalgia Fever is quite a contagious thing, and the best way to spread it is to add this cute chicklet to your site. It's real easy! All you have to do is copy and paste the HTML code below (make sure you copy the entire code), add it to your own page, and you're done! Show your love for Nostalgia Manila and spread Nostalgia Fever today!