Famous Hauntings in Baguio City
Ang Dalaga at Kadete
May isang malaking puno dati sa Baguio City na nakikita mo pag papunta ka ng Camp John Hay o PMA. Hindi mo na makikita ang punong ito ngayon dahil matagal na itong pinatanggal ng mga local officials dahil sa dami ng mga nadidisgrasya dito. May babae na dating nagpapakita sa mga dumadaan sa tabi ng punong iyon, at sa takot ng mga nagmamaneho karamihan sa kanila ay namamatay sa aksidente.
Ang babaeng nagpapakita ay dati raw na taga Baguio noong 1960's. Ayon sa mga nakakaalam ng istorya siya raw ay date ng isang kadete sa kanyang hop (parang prom party ng PMA). Noong gabi ng hop, matagal na naghanap ng masasakyan ang babae pero wala siyang makita. Naisipan niya maglakad na lang dahil huling-huli na siya. Sa kanyang paglalakad may dumaan at humintong taxi. Ngunit imbes na kunin siya bilang pasahero, ginahasa ng driver ang dalaga at pinatay siya pagkatapos. Hindi malaman ng kadete kung ano ang nangyari sa kanyang date at hindi nakarating ang dalaga sa hop. Kinabukasan nabalitaan na may babaeng nakabitay sa isang malaking puno sa tabi ng daan.
Diplomat Hotel
Noong May 1911 ibinoto ng Council ng Dominican Order na magtayo ng isang rest house para sa mga terminally ill na patiente sa Baguio City. Ito raw ay itatayo sa isang lupain na 17 hectares na tinawag na Dominican Hill. Ang unang building ay ininagurate noong May 23, 1915. Dahil sa tax exemptions ng panahon, ang Collegio del Santissimo Rosario ay ibunukas sa publiko noong June 1915. Dahil kaunti lang ang nag-enroll sa paaralan, ito ay nagsara matapos ng dalawang taon noong 1917, at muling ginawang vacation house sanitarium.
Philippine Military Academy
Maraming nagmumulto PMA. Pag hatinggabi mayroong platoon na maririnig nagmamarcha sa parade grounds. Isang kilalang kadete ang nagpapakitang nakasuot ng full-parade uniform sa locker room. Isang pare naman na napugutan ng ulo noong panahon ng Hapon ang lumilibot sa main building, pati na rin ang isang white lady na madalas makita ng mga guardia.
Teacher's Camp
Maraming kuwento tungkol sa mga nagmumulto ng Teacher's Camp. Noong late ' 60s' at early 70s maraming nag-shooting ng mga pelikula rito. Hindi raw makatulog ang film crew dahil sa mga nakakatakot na ingay na madalas nilang marinig. Ayon sa mga nakatira doon ang lupain ng Teacher's Camp raw ay ang original battlefield ng mga natives noong unang panahon, at gabi-gabi silang nagpapakita sa mga bumibisita at nagbabakasyon dito.
Technorati Tags:60s, 70s, nostalgia
11 comments:
Just seen your blog... and oh boy! you brought back beautiful memories when I was still studying in Manila. I can't help but laugh esp. Ma-mon-luk and Aristocrat... add the Magnolia house along Aurora Blvd.I remember the beer stalls along Makati ave. where you go get a bottle or 2 bef. going to a disco place bec. it's cheaper.
scary nga yung diplomat hotel... though it looks a whole lot like UST Main Building from that angle :)
sure we can exchange links :)
My sister used to live with her husband and kids on #12 Dominican Hill Rd.(next to the Villars of Mareco Broadcasting) midway between the Grotto and Diplomat Hotel. I used walk up to the gate of the Diplomat Hotel at night with my friends during our Holy week sojourn to Baguio and see how much farther we could go in with out getting spooked! That was an annual tradition, we go deeper inside the property each time until one of us starts imaginig things and runs back out followed by screaming girls in our group.
i love your blog especially this post. makes me want to go up to baguio this weekend :) keep writing! :)
i was at baguio last weekend for the luzon convention of chemical engineering students, tapos inabutan ng curfew mga delagates ng up diliman, and yun kung saan saan kami napunta hanggang sa dalhin kami ng mga students ng saint loius university sa diplomat para hindi namin makalimutan ang baguio, regalo nila sa amin yun...
wala naman akong nakita pero @!@% ang lakas ng pakiramdam namin sa second floor, parang may magnet sayo, puro bintana, puro pintuan every 3 steps mo. nakapikit isa kong mata kapag may darating na pintuan kasi ako yung nasa gilid.... sa third floor open space, wala normal lang, we had a chance to take a video kasi wala naman kaming naramdaman dun...
pero malapit lang pala dun yung lourdes grotto less than 50 meters so punta kami dun ng 1am! dun may nakita na mga kasama naming open ang third eye... sinalubong kami ng isang babae... di ko nakita pero naramdaman ko siya...
It was my first time to go to Baguio a few weeks back & I'm not really scared in ghosts but when we went to Teacher's Camp oh my I got an eerie feeling. We got scared to take pictures baka may makita kaming iba na kasama namin sa pix :)
danm im sow scared!!!!
Guys, 3 days ago nasa baguio kami and we visited the dominican hotel... mejo eerie ang pakiramdam sa loob pero I would suggest those who are curious na ivisit nyo na siya kasi dinedevelop na nila yung site at mejo nawawala na yung thrill at eerieness nung place!
Pwede bang pumasok ng diplomat hotel? Been wondering also kasi nga sikat sya as a haunted place. Although ang nakakatakot dun eh may possibility na sundan ka nung multo hanggang sa bahay nyo. Darn.
Laking-Baguio po and we once stayed in a haunted house in Bokawkan. These days, medyo kokonti na lang ang maririnig mong mysticism sa Baguio.
galing din ako sa baguio last month we had our family vacation.nag rent kame ng house just for a couple of days to stay,tanaw lang namin yung building ng diplomat hotel.gusto talaga namin pumunta dun just to have a look inside.but we think na baka di na pwede makapasok ang mga visitors dun para pumasyal.
just went inside the hotel, maayos na yung labas nya, mukhang someone bought the property and they fixed evrything from the outside- the gate, the garden, pati yung loop road sementado na ulet. The only thing left untouched is the hotel itself, although i noticed the roofing has a new set of galvanized iron. Someone is also guarding the property. Ano ba gagawen dun??
Post a Comment