Game & Watch! The Original Pocket Video Game
"Pahiram! Ako naman!" Pataasan lagi ng score, at minsan hindi mo pinapatay para ipakita sa mga classmate mo the next day ang highest score mo. Pag gusto mo i-reset ang display ng oras, i-press mo lang yung maliit na button sa maliit na butas using a ballpen o pencil. Pag tinanggal mo yung battery cover tapos binalik mo, reset na ang lahat. Nabibwiset ka kapag bigla nalang nawawala ang power dahil ubos na ang battery! Still, ito ang isa sa pinaka masayang laruan mo noong araw na pinagbubuhusan mo ng maraming oras.
For more nostalgia, check out the: Toys & Games Category
41 comments:
oh mannnnn...
may nabibili pa bang ganito?!?!
ill pay as much as my brothers would for a PS3! -or maybe not- but yeah... good ol' days of childhood...
Meron actually. There are people who owned video game shops noong araw who had an overstock of these and sell them on Ebay. Tumingin ka minsan sa Ebay and you'll be surprised to find quite a few sellers selling them. Yung unang FIRE game na mint condition goes for around $200-$300. Comes with the original box, manual, and batteries. Dati mga P200 lang yun! I used to have 5 of them! Nakaka miss no?
astig. classic to. na-miss ko bigla.
O my God! I love your site, sobra! It's beginning to feel a lot like the 80's again!
Miss ko bigla Game & Watch ko (Octopus & Popeye!). I remember dati, feeling ko kami pinakamayaman sa kalye namin kasi ako lang me G&W.
Ngayon, mga kaibigan ko, me PSP na, ako wala! Hahaha!
Nice site talaga, keep it up!
Astig Kuya! I used to one as well. It's an old Donkey Kong I used to play from the mid '80s to the early '90s! Sira na siya ngayon pero nakadisplay sa bahay. What can I say to those Game & Watch unit are ultra-durable & made & in Japan.
Nowadays, I'm a MMORPG (preferably FreeStyle Basketball) & PS2 playa.
What can I say about the kids of today, they missed so many things that we've had & they STILL deny it! We have to educate 'em. :D
you have a wonderful blog here...care for an interview?
naalala ko pa to halos mag-away kami ng kuya ko dahil sa game and watch. bago nauso ang gameboy at brick game ito ang pinaglalaruan namin. dati jackpot ka kapag nakabunot ka nito sa bunutan (kasama yung mga sisiw at itik) ni manong sa tapat ng simbahan. nung nagkaroon ng kakulangan sa tubig nung early 90s, ito yung ginagamit naming pampalipas oras kapag sumasalok ng tubig sa iisang gripong pinag-iigiban ng buong brgy.
i use to have one. XD
Uy, naaalala ko pinaghatian naming apat na magkakapatid para makabili nito, mga P200 nga yata. P3 per day ang contribution. Eh P3 per day lang ang baon ko noon so sakripisyo muna para lang makabili ng Game and Watch!
Egg yung binili namin, and for awhile binalot pa ng kuya ko ng plastic para di daw maluma, kaso ang hirap naman laruin... =)
hay grabe!!! how can i forget game and watch? sus halos di ako kumain kasi iniipon ko baon ko para magrent nyan dun sa mamang may cart na dala tapos nakapwesto malapit sa school...tapos nakatali yung mga game and watch..= )
ganda nmn ng blog mo....love itttttttt....
Ang mahal naman ng Game and Watch ngayon! I remember around 4 years ago, may kaopisina ako na kasama akong biglang na-miss ang game and watch. Sa Raon, lumang malls, at kung saan-saan kami pumunta para makabili. Syempre, wala na kaming nakita.
When I was a kid, pati Nanay at Auntie ko naglalaro nyan. Hanggang madaling araw, lahat kami gising! Pwera na lang Tatay ko na di nakahiligan talaga ang video games.
Ang Bangis! meron ako yung "POPEYE" at naka 999 ang score ko dun! nakaka-miss!!! yung ibang mga games inanarkila ko sa tapat ng eskwela namin bago pa nauso yung family computer at atari.
meron pa akong Fire and Parachute.. pinag lalaruan ko pa rin :)
dami ko pang viewmasters :)
astig tong site na ito!
jerome dizon
sydney, australia
I use to play this all the time during long bus trips. Makes me long for my childhood again
Cool! Brought back lots of memories! I had Game & Watch - Manhole.
Awesome! Thanks for posting this. I had Fire Attack saka Mario Bros. Cement Factory. I bought the Game & Watch Gallery game for Nintendo GBA. Lahat ng games nandon!! Sayang nasaan na kaya yung game & watch ko?
we used to call them "play and clock" and played till our eyes almost fell off its sockets!
Can you believe na na-revive ko yung "Popeye" na Game & Watch ko? Nilinis ko yung mga pads at binilhan ko ng battery sa watch shop and it worked!!! Sarap pa rin laruin pero parang ang dali na kahit sa Game B..hehehe.. Pinamana ko na ito sa younger brother ko who is 7 yrs old.. and he liked this better than his game boy advance SP..hehehe.. _JAY of Amkor... Nice site! Keep this up!
Aliw naman. Kakabangit ko lang ng Game & Watch sa latest post ko, tapos nakita ko itong entry mo. Actually, sa pagkakaalala ko, di ako nagkaroon nito (dahil nga tinanggihan ko). Makabili nga ng isa sa eBay hehe.
I miss those games! Di ba meron pang game na "Manhole"? I'm not sure if that's the name.
Love your site...I can totally relate to almost all! =D
I have Popeye, Helmet, Fire, Snoopy Tennis, 3 Octopus, Chef, Manhole, Mickey Mouse and Parachute in my collection. I'm also collecting SONY Walkman. Post your e-mail for pictures.
katabi ko pa sa pagtulog yang game and watch.popeye yung sa akin regalo ng tita ko noong birthday ko.
Meron pa akong nakitang game and watch na pinagbibili sa sa chunky far flung sa Cubao X (Marikina Shoe Expo)
It's not the same thing, but I have PC versions of Popeye and Octopus. The interface is exactly like the original game and almost exactly the same size, same sound effects. Nakakatuwa. I still play themn once in a while. I wish I had HELMET because that was my favorite.
nung bata kami alam ko yung fire meron kami tapos yung donkey kong na may parang fliptop meron din kami... sobrang aliw dahil sobrang basic pa game & watch compared sa mga PSP at DS Gameboy ngayon but the thrill ng paglalaro ay same pa din...
sobrang nakakamiss naman to..
meron ako nung chef...its funny..
coz i ended up being one!hehe!!:D
nice site! reminds me of d good ol' days! Meron kame dati yung CHEF, POPEYE and PARACHUTE! Dati pag meron kang game and watch, sikat ka! hehehe...
this was the time na pataasan kayo ng score. 999 dapat ang score mo, di mo mapatay patay kasi nga pag yayabang mo sa mga kaibigan mo. bad part nito di mo malaro agad agad hangat di mo napapakita sa lahat.
how about octopus and submarine battle?i remember there was this man renting these things for 5 bucks a pop back in Pasig
The first Game and watch I ever played was something called Ball-not sure, just a guy juggling a ball which can land in four different positions ( two on each side). That was back in 1981 or 1982. Then the second one was Fire. My aunt gave me Octopus for my birthday one time and I kept it for so many years kahit sira na.
I remember playing Manhole until my eyes literally would tear up and my fingers feel like they were going to fall off.So proud that I was able to hit 999 on that game. Such fun memories.
i saw your site when you mentioned it sa pinoycook blog...being an 80's kid, siyempre visit ako agad sa site mo...and it is sooo great...memories agad...i read your game and watch post..naku, my brother and i had 2 each....i was in 1st year h.s. when it was super uso...i remember my english teacher (ms.galema)borrowing my clasmates' game n watches...until she bought 1 herself...she got manhole and super proud pa siya nun nakabili siya...i just found my octopus and sayang medyo sira na siya...i'm looking for my mickey mouse-egg na na- misplace somewhere sa house...in good condition pa yun...my brother had chef and helmet...both are sira na, but yun units nasa house pa. recently, i showed my eldest (boy of 15) my octopus na game and watch and ayun, hindi impress...although my hubby told him that yun ang lolo ng mga gameboy and psp...hehehe...i saw pala a good game and watch sa greenhills area pa pala...keep the memories coming...astig...
rima
love this site.
thanks for all the post.
the game n watch i bought then was octopus. medyo madali cya maabot highest score.
nawala siya coz ninakaw yata mga carpenters that time dito sa bahay.
sayang. iknow kids will still enjoy the simplicity of this game.
Favorite ko dyan laruin yung CHEF. Wahhhhh na me-memories ako dito Meron ba nyan sa baclaran pabili naman.
I still remember back in 1983 when Father who was then in Saudi Arabia bought me an Octopus Game and Watch.. Isipin niyo kung kaylan ako tumanda dun ko biglang na miss ang game and watch, kaya heto, suwerti ko, nakabili ako sa ebay for $80. Laking pasasalamat ko pa sa nagbenta.
It was around 1981 (I was 11 or 12 years old) and mga richer classmates ko lang ang may Game & Watch. Inggit nga ako at minsan inis ako dahil di nila pinapahiram sa akin. In December of 1981 noong namatay ang lolo ko, I stayed up all night hindi dahil sa lamay kundi dahil sa Game & Watch na dala ng pinsan ko na taga Baguio. Pag alis niya, gusto ko talagang magkaroon ng Game & Watch at kinulit (at nagtantrums pa yata ako) ang Dad ko para bumili. One day, sinorpresa niya kaming magkakapatid dahil bumili nga siya ng "Parachute" na game. Pero sana ay yung "Octopus" ang nabili niya, kasi parang pinagsawaan ko na yung "Parachute" noong lamay ng lolo ko.
Back in elementary I would rush up the 3rd floor every recess because a lot of of the high school students were playing these things, kanya kanyang huddle pa yun! I would watch over their shoulders and boy was I a heckler back then, even if I had no idea what the goal of the game was about. Grabe!
Paborito ko Western Bar!!
Nakakatuwa yung backgroung music nun lalo na pag pumasok na yung kalaban.
i remember pinapa rentahan pa ito sa labas ng mga school habang naghihintay ng service... yun sa akin, sa sobrang excited ko na ipag yabang yung high score ko yun tumalsik kaya nabasag yung screen at nagkalat yung tinta... good ol' days!
teacher confisticated mine, on another occasion, na-klepto sa schoolbag ko sa skulbus ... haaay
Those were the days you knew your parents love you coz they bought you game and watch. Mine was the turtle bridge thing, di ko na matandaan ang pangalan. If you don't know game and watch, then you did not exist in the 80's
Ako badtrip hiniram ng pinsan ko di na binalik..popeye at octopus ngayon tf collector nako haha..
Post a Comment