February 06, 2007

Nostalgia List #19

"B.A.D.A.F, Badaf, Badaf, Forever!"
Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.

138.
King Philip ang tailoring at haberdashery shop sa Taft Ave, na nagtatahi ng barong in 8 hours lang!

139.
Charing ang music group na kumanta ng "B.A.D.A.F, Badaf, Badaf, Forever!"

140.
Ang pinakamasarap na brand ng hotcake mix ay Hungry Jack (pulang box), at White King brand (dilaw na box). Hotcake ang tinatawag pag niluto sa bahay. Tinatawag mo lang pancake kapag inorder mo sa restaurant tulad ng hotel o Pancake House.

141.
Halos lahat ng makilala mong magagandang babae ay gusto maging flight stewardess ng PAL (Philippine Airlines). Noong araw sikat ang maging flight stewardess, ang tinggin sa kanila ng mga tao ay parang model o artista.

142.
Lagi mong pinapanuod ang Charlie's Angels at crush mo sina Jaclyn Smith at Cheryl Ladd.

"At nasaan na ang aking Nostalgia List #20 aber?!"
Want more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #18


Technorati Tags:, ,


6 comments:

  1. Anonymous4:21 AM

    sino yun gumaganap na profile ni charlie sa tv series na ito? the voice of charlie was the guy frm "dynasty" but the person -yun medyo kulot na medium built caucasian, sino cya?

    kalibugan.org

    ReplyDelete
  2. That was John Forsythe. He was also the voice of Charlie in the new "Charlie's Angels" movies starring Drew Barrymore and Cameron Diaz.

    ReplyDelete
  3. Anonymous11:11 AM

    nakalimutan nyo si farrah fawcett-majors--one of the original "charlie's angels" with kate jackson and jaclyn smith...yun ang isa sa mga pantasya noong '70s! :)

    i'd like to add some stuff, too, to the nostalgia list, kung pwede...although medyo late '80s na yung ilan sa mga ito (dahil 1984 na ako pinanganak)...

    - tina monzon-palma on "GMA headline news" every night at 10pm...she was still sporting long, curly hair at that time (which she eventually cut short during the early '90s)...

    - cheezels and chickadees snacks na laging may freebies (mga maliliit na toys) sa loob...

    - ang mga kinatatakutang tv shows ng mga bata noong late '80s--"regal shocker" (saturdays on GMA 7) and "pinoy thriller" (if i'm not mistaken, thursdays ito on the then newly-reopened ABS-CBN)...

    - inday badiday's "see-true"...and all the controversial live interviews...

    - aiza seguerra's "duck walk" sa "bulagaan" segment ng "eat bulaga"...tsaka yung kanyang sariling portion din sa show na "aiza's kiddie korner" where she would always say in a sing-song manner at the end, "'wag kayong aalis, babalik kamiiii!" sabay ngiti at pa-cute na ilalagay ang dalawang kamay sa baba niya...

    :)

    ReplyDelete
  4. Eto, I know you would remember this: "Arthurs, Legaspi Towers in Taft Avenue. Accepts made to order pants and barongs finished within 6 HOURS. Visit their other branches". Laging may plug niyan especially sa Eat Bulaga noong nasa channel 9 pa sila.

    ReplyDelete
  5. Anonymous9:57 PM

    meron kami dati malaking plastic bag ng Arthur's. Kulay beige. taz ung hawakan nya made of plastic na itim. tanda ko ung logo at my lalake sa tabi na parang inisketch gamit ang pencil. tanda ko ung nag vovoice over or announcer sa eat bulaga that time. ang ganda ng boses. wala atang di nkakamemorize ng mga linya nya sa mga sponsor.Haay..

    ReplyDelete
  6. Anonymous11:45 PM

    Seiko, Seiko Wallet
    Ang wallet na maswerte
    Balat nito ay genuine
    International pa ang mga design
    Ang wallet na maswerte
    Seiko, Seiko Walleeeeet!!!
    Seiko, seiko walleeeeeet!

    Seiko wallet. Ang wallet na maswerte.

    ReplyDelete