March 30, 2007

Be Near Me - ABC 80's Music Video

Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!

Be Near Me - ABC
"All my dreams came true last night, all my hopes and fears. All my dreams came true once more, in tears. In tears"


1985 ini-release ng ABC ang kantang ito sa album na ipinangalang Who Wants To Be A...Zillionaire! Umakyat ang kantang ito at nag-peak ng #9 sa US charts, at #26 sa UK. Nung una mong nakita ang video na ito, nagtaka ka kung ang suot ng grupo sa video ay ang kanilang totoong stage outfits; hindi mo malimutan ang itsura nung kalbong nakasalamin! Ang totoo ay kasama iyon sa visual concept ng video. Sinadyang mag mukhang cartoons ang grupo, at shinoot ang video sa puting background na may mga rolling shots. Ang dahilan dito ay gusto nila ipakita na kungyari nasa loob ang grupo ng isang ping-pong ball.


More Video Hit Parade Classics: Send Me An Angel - Real Life

Technorati Tags:, , ,

No comments:

Post a Comment