Heto ay isang RARE video clip na nahalungkat ng Nostalgia Manila sa YouTube. Ang unang segment ng video clip ay isang comedy sketch ng TODAS, with Richie D'Horsey, Val Sotto, and Joey De Leon, spoofing Jojo Alejar and The Tigers of Penthouse Live; hosted by Martin Nivera and Pops Fernandez. Ang pangalawang segment ay dance number ng totoong Tigers, na kasama ang magaling na sumayaw na si Jojo Alejar. Panuurin natin!
Pasensya na sa video quality, at itong rare clip na ito ay sinalang mula sa isang lumang Betamax tape.
Technorati Tags:80s, tv, nostalgia
Wow! Jojo A. all the way. *L*
ReplyDeleteMadalas ko dating makita si Jojo Alejar around the UST campus. Sa Arts & Letters building kami pareho. Friend ko rin dati yung isang member ng the Tigers, si Leonel Lim, he also went to UST. Leonel is the one on Jojo's right.
ReplyDeleteJusko...hindi ko malaman kung bakit parang napapaluha ako just watching this during my lunchbreak at work. Napapaiyak ba ako dahil sa nostalgiang na-evoke o dahil sa low quality ng video dahil na nga sa kalumaan? O baka naman dahil nasilayan kong muli ang porma ng mga boys nung bagets pa ako...huhuhu. Morreee!!!
ReplyDeletesirena sa australia,
ReplyDeletenapaluha ka dahil sa nostalgia, at namimis mo ang mga simpleng mga araw. dahil kahit ano ang sabihin ng mga tao, takot sila sa katutuhanan, na di hamak na mas masaya noon. simple ang buhay, kahit na sabihin pa nila na mababaw at puro kabaduyan, masaya ang tao, at original ang mga palabas, at siyempre mas maganda ang musika noon. kaya dapat gumising ang bayan, at alagaan ng lahat ang kanilang mga lumang bagay, sa gayon, hindi natin malilimutan ang mga magagandang araw na ating kinalakihan.
Hwaw! wala talaga ko masabi!!! Ang galeng galing! Basta pang trigger ng nostalgia! matagal na ko naghahanap ng kahit anong clip from T.O.D.A.S. ... and you actually found one :D Baka meron kayo nahanap nung opening? ng T.O.D.A.S. :D
ReplyDeleteNakow! Alam nyo bagang may aatendan (grabe pala pag isinulat yung taglish conjugation natin, ano?) kami dine na 80's themed bday party? Paano ko ba gagayahin yung hairdo ni Pops? At nasan na yung malalaking shoulder pads?
ReplyDeleteToby, true ang sinabi mo. Mas simple nung araw. Mababaw ang kaligayahan. makabili lang kami nun ng inihaw na chicken sa plasa ay masaya na kami and super dance to Sheena Easton's "Telephone"..mwahaha! ;->
ang pantalon... BASTON!!
ReplyDeleteang sa akin the best ang 70s to 80s.kahit nga puro kabaduyan simple lang nga ang buhay noon.masaya talaga parang ang gaan ng buhay natin kahit madaming problema.kaya nga di hook pa din ako sa mga sounds ng mga years na yun.
ReplyDeletewho said panay kabaduyan dati? everyone should get over this feeling of being embarassed about the '70s and '80s dahil talagang mas magaling at masaya noon! it's only baduy if you think it is, but it's not! mas baduy yung mga mabababaw na mga worthless gimmiks ngayon sa tv at kung saan-saan. things back then had more creativity. ngayon, puro kaplastikan.
ReplyDeletesaan na sila ngayon?
ReplyDeletei was born 1980, pero i am so lucky na naabutan at totally na appreciate ko yung TODAS days pati ang Iskul Bukol, inaabangan ko talaga yung mga yun!! the old ways are the best, lahat!!! mas simple, walang kumplikasyon!!! i miss those days, palagay ko i can watch 80's stuff ang look into old photos and everything for a few days non stop and i will ask for more!!!
ReplyDeletekami po yung nag-proproduce ng iskul bukol at line produce ng todas noon sa ch13. hayaan nyo pag natutunan na namin gamitin etong internet at mag post ng video, maglalagay kami ng rare clips. tulad nung kumanta si armida ng like a virgin sa iskul. gusto nyo pa bang ipalabas namin uli ang mga reruns ng iskul?
ReplyDeleteokey sige, ayos yang idea na yan! Kung gusto niyo i-release niyo din sa DVD, kahit limited run lang, bibilhin ko yan!
ReplyDeletesna yung STUDENT CANTEEN.. dear kuya eddie . yung lovingly yours helen.. lagay nyo rin d2pati yung mga commercials nung 70's 80's
ReplyDeletekkamiss po kse balikan..
If you'll really release the complete set of ISkul Bukol and TODAS, please let me know para naman I can buy. Super fanatic ang asawa ko ng TVJ and all the rest of the 80s comedies. Please???
ReplyDeleteAnd, check out the tassled tan loafers of Jojo A. hahahaha...I remember those!
Re-runs ng Iskul Bukol? Way cool!!! Daming manonood nyan. I for one. Kasi before ayaw ako payagan ng parents ko manood. Wala daw moral lesson. As if!!! Hahaha...Pwede naman manood lang for fun di ba? :o)
ReplyDeletesige,iskul bukol,todas,mga lumang laro ng toyota vs. crispa,ubos yan sa dvd.....ang ganda talaga nun,simple lang,sperry,haruta hehehe....the best ang mga kanta nun
ReplyDelete@ gippy: baka po pwede namin mainterview asawa nyo?
ReplyDeletewe're currently doing a documentary on TVJ / Iskul Bukol for I-Witness, Jay Taruvc Team. Kailangan po namin ng memorabilia , photos of the trio and/or Iskul Bukol. Patulong naman po.
gfmen! those were the days na tlgang hataw at bagsakan sa dance floor..i remember pa ung DANCE 10 sa skatetown sa alimall..nsa RPN 9 pa un..hay...ka miss..
ReplyDeletebtw whatever happend to mr ray ann fuentes? and mr archie lacson?
thnks to nostalgia manila! COOL tlga ang 70's and 80's!
do we have more video on todas? lalo na ung oldies but goodies nila?
ReplyDeleteBaldo,
ReplyDeleteBeen trying to get hold of some friends in Manila who were line producers for Todas. Unfortunately most of the old tapes have been damaged by flooding, and the ones that survived were copied over. Shows how the industry doesn't practice the importance of archiving.
But I'm keeping my hopes up and will keep trying to find rare clips. Stay tuned!
I was born in 1980, but I hava a great deal of 80's memories. Naisulat ko ang karamihan nun sa aking blog. Nasa Blogger din ito.
ReplyDeleteMayroon akong naisulat in my blog about all those 80's nostalgia. Good to see someone like you dedicated in bringing back the good ole days that will never come back to us.
ReplyDeleteT.O.D.A.S, ISKUL BUKOL isama mo pa ang noble songs ni tito,vic,and joey the best talaga nung 80's wala ka ng hahanapin pa kahit until now maaapreciate mo pa rin! para sa kin walang kabaduyan nung 80's yun ang uso ng taon na yun kaya yun ang tinangkilik ng mga tao noon.
ReplyDeleteang sarap balikan ng nakaraan..mas simple ang buhay non..pero mas masaya!
ReplyDeletesikat na sikat si jojo alejar nun at ang tigers..parang sya nga ang ginagaya ni aga muchlach sa style ng pagsasayaw...hehehhe...:)
ReplyDeleteSana lagi na lang tayo bagets... Saya saya dati, walang problema. Hay gusto ko tuloy magsigarilyo pag naaalala ko dati kaso nag quit na ako kaya tiis.
ReplyDeleteanyone knows the theme song of TODAS?
ReplyDeleteany 80s retro party coming up soon???? its about time. thanks NM!
ReplyDeleteJOJO KAMUSTA KA NA?IM SORRY I DIDNT GET TO SEE YOUR WEDDING,DONT WORRY iLL BE BACK HOME ONE DAY AND I WILL SEE MY FAVORITE NEPHEW AGAIN,i HOPE BY THIS TIME YOULL FORGIVE ME OF WHAT AMESS I DID ON YOUR SHOW BEFORE,I AM VERY SORRY ABOUT THAT BUT I GUESS ACCIDENT HAPPENS NO MATTER HOW PROFESSIONAL YOU ARE IT JUST HAPPEN.bEST WISHES TO YOUR FAMILY HOPE YOU COME TO VEGAS AND SEE ME i LOVE YOU,YOUR UNCLE,BOY PAGUIO.
ReplyDeleteUtang na loob buhayin nu idol ko... si Chiquito.!!! Sandali.. e pa check ko sa apo ko Kung tama pangalan ng idol ko. Ayan May tama raw ako. Hay naku Iba NA talaga ang ugali ng mga bata ngayon kesa sa mga bata noon. Young mga bata noon kahit makulit kahit papano may respeto... ngayon... eh nakuuuu...
ReplyDeleteAnong ibig sabihin ng T.O.D.A.S. ?
ReplyDeleteTelevision, Outrageously, Delighted, All-Stars, Show
ReplyDelete