"So true, funny how it seems, always in time but never in line for dreams."
Ang kantang ito ay naging signature hit ng Spandau Ballet na inilabas sa kanilang pinakasikat na album noong 1983. Kaunti ang nakakaalam na ang madamdaming ballad na ito ay mala-tribute sa Mowtown legend na si Marvin Gaye. Maraming na-in-lab kay Spandau lead singer Tony Hadley at sa kanyang wingman na si Gary Kemp. Naging superstars ang grupo sa tulong ng kantang ito. Ito ang official anthem ng mga die-hard Spandau fans na nakipagsagupaan sa mga fans ng Duran Duran noong '80s. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nasesenti sa kantang ito pag pinapatugtug sa radyo. Ito ay siguradong isa sa mga pinakapaburito mong love songs ng dekadang '80s.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
Grabe- opening riff pa lang ng guitar at synth e you are instantly transported to the early 80's and probably remembering it best blasting from stereo systems of jeepneys at that time while commuting to and from school. Sweet nostalgia :).
ReplyDelete