April 27, 2007

Let's Go Back In Time With Totoy Time Machine's Awit Hulaan!


Oras na namang mag-side trip ang Totoy Time Machine patungo sa mga nagdaang dekada. Gaya ni Marty McFly, mahilig rin tayong maglakbay sa "Time-Space Continuum" pabalik sa nakalipas na panahon sakay sa magarang Delorean sports car ng ating mapaglarong isipan at imahinasyon.

Espesyal ang byaheng ito, byaheng Nostagia Manila! Pinahaba at pinaluwag ang sasakyan para magkasya ang mas maraming pasahero. Nariyan si Totoy sa manibela, si NM ang flight navigator, at mga byaherong pumuslit pa sa kani-kanilang mga pamilya at barkada para makasama lang: Jake, Jon, Edmond, Vince, Neo (Uy! Salamat rin!), gatorPinoy66, Mary Ann, Gigi, etc. Sino pa bang kulang? May lugar pa, gusto mo bang sumama? Halina at sumama kayo!

Ibigay lang ang tamang pamagat ng awiting pinanggalingan ng mga sumusunod na linya:

Awit1
"Ang nakalipas ay ibabalik natin, Ipapaalala ko sa'yo"

Awit2
"Sana'y maaaring ibalik ang kahapon at iguhit na muli ang nakaraan"

Awit3
"Mga araw na nagdaan kailanma'y hindi malilimutan, kay tamis ng araw ng pagmamahalan, ang akala ko'y walang hangganan"

Awit4
"At sana'y nakikinig s'ya, naaalala kaya n'ya ang love song namin noon na niluma na ng panahon?"

Awit5
"Di na madaig o mabalik ang dating matamis na kahapon, pilit ma'y tuyo na'ng damdamin"

Ano? Sirit na?


Technorati Tags:
, , , ,


6 comments:

  1. awit 1: kahit maputi na ang buhok ko
    awit 2: sayang
    awit 3: ang pag-ibig kong ito
    awit 4: mr. dj
    awit 5: tuoy na'ng damdamin

    ReplyDelete
  2. 'Forgot to include this link to the movie's official website:

    www.bttfmovie.com

    ReplyDelete
  3. Totoy Time Machine :
    Sagot :
    1. Kahit maputi ang buhok ko - Rey Valera
    2.Sayang - Eva Eugenio
    3.Pag -Ibig kong Ito : Lea Navarro
    4. Mr D.J - Rey Valera / Then Sharon Cuneta
    5.Tuyo ng Damdamin - APO Hiking Society

    Tama ba ako Totoy Time Machine:

    Neo

    ReplyDelete
  4. Anonymous10:03 AM

    Eto po ang aking mga hula...

    1. Kahit maputi na ang buhok ko. - Ate Shawee

    2. Sayang. - Claire DeLa Fuente

    3. Ang pag-ibig kong ito. - Leah Navarro

    4. Mr. DJ - Ate Shawee again! Then later on by Rey Valera

    5. Tuyo nang damdamin. - APO Hiking Society

    ReplyDelete
  5. Arries, Neo, and Tamulmol: OK kayo mga kaibigan! Tunay na mga dalubhasa sa OPM! Dapat yata sa susunog, mahihirap naman ang huhulaan nyo! O, sakay na at baka maiwan pa kayo sa byahe!

    ReplyDelete
  6. ah mali kayong lahat! alam ko ang mga sagot:

    awit 1: "i am the future of the world" by lilet
    awit 2: "small world" by lea salonga
    awit 3: "sana'y pag-ibig na lang isipin" by kristina paner
    awit 4: "mr. dj" by tito, vic, and joey
    awit 5: "bawat bata" by apo

    ReplyDelete