April 12, 2007

Cruel Summer - Bananarama 80's Music Video

Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!

Cruel Summer - Bananarama
"Hot summer streets and the pavements are burning I sit around."


Ang Cruel Summer ay naging #8 sa UK Charts noong 1983, at naging #9 sa Billboard Top 100 noong 1984. Ang idea para sa video ay nakuha ng grupo sa TV show na Dukes of Hazzard. May dalawang kengkoy na police officers na humahabol sa Bananarama, at sa bandang huli ng video ay hinahagisan ng grupo ang mga buwaya ng maraming saging habang minamaneho nila ang isang malaking truck. Ang Bananarama ay ang isa sa mga sikat na all-female groups noong '80s na paburito mo.


More Video Hit Parade Classics: Wake Me Up Before You Go Go - Wham!

Technorati Tags:, , ,

No comments:

Post a Comment